I can’t go into details because this is not really my story to tell (so if this is a bit magulo pagpasensyahan nyo na..ang hirap kasi mag-explain ng hindi ko masabi lahat ng details), but yesterday I saw a grand act of forgiveness and I think it relates to some of the queries you guys have sent to me.

It’s not uncommon na mainis, mairita, magalit, magmaasim, maginarte and other nega-vibes. That’s part of life. These things are mini personal battles that we have to deal with daily. These feelings arise as a reaction from something, may it be as big as inagaw ang boyfriend mo or as small as inubos yung tira mong lunch na nilagay mo sa ref dahil na balak mo pang kainin ulit (serioso ako, so many times na nag-inarte at warla mode ako kay Milan dahil inubos nya yung mga tira ko sa ref na pinaginipan ko pang kakainin ko the morning after). I am no saint (well wala naman nagsasabi na Santa ako. Assuming lang ako. haha!). Naiirita din ako. May mga panahon na umirap na din ako ng d ko pansin and lalo nang umarte narin ako ng “friendship over”. But I know, we all want to be better people. And part of being better is learning to forgive and letting go of our negatrons. Yesterday, I saw a grand act of forgiveness both from yung nasaktan at yung nagreact (na nasaktan din). When commotions (hindi locomotion ni KYLIE. Commotions as in kaguluhan) happen, even the initial victims become perpetrators because he/she might act in a certain way to avenge him/herself. So then pareho na silang may kasalanan dahil in the end kahit anong palusot nyo, pareho kayong magintention manakit.

Forgiveness can be a very hard task to do. Una kasi, kakainin mo yung PRIDE chicken mo, tapos may halo pang kailangan mo aminin verbally ang pagkakamali para makapagsorry ka (i’m sure marming nang umabot sa point na gusto nyo na ayusin pero bonngang bongga si max’s PRIDE chicken and you just resorted ko… NEVER NOH! I HATE HER! sabay inarte but really inside you are willing to let it go na. d lang kaya ng aura at image nyo). But honestly forgiveness is not a sign of weakness or TALO KA, it is actually a show of strength and character. When we were younger we used to read a lot of fairytales whether it be Snow White, Cinderella, or Beauty and the Beast. They taught us the meaning of happily ever after. Wit sa kanilang mga prinsesa and naginarte ng revenge. Hindi hinulog ni SNOW WHITE si impaktita sa wishing well, hindi din pinagyabang ni CINDERELLA ang bongga nyang kaharian at fierce sapatos nya at lalo nang hindi sinunog ni BEAUTY ang barangay na kumutcha sa kanila ni beast. Because when we were young, sorry and forgiveness was one of the first things they taught us. Happily ever after only happened because they learned to forgive. Wit sila gumawa ng sequel na “ang pagbabalik ng hasik ni SNOW WHITE”, or “Pinatay sa sindak ni CINDERELLA” or ang “lintik na paghihiganti ni BEAUTY”. The minute they forgave, tapos na. END OF STORY hindi na nagka-book 2 yung teleserye kahit gano ka blockbuster sa TV.

So back to yesterday, ang gaang ng puso ko when i saw 2 people forgive and let bygones be bygones. What happened between these two is something major, may puso, pride, pagkalalaki at iba iba pang nagaganap. But infair, when i saw na nagkaayos sila. Mas macho pa nga sila. Hindi ko inisip ang “ay bulok! talo! wala pa pala eh!” but rather para silang nadagdagan ng 20t points kay God at sa paningin ko. The funny thing is forgiveness starts even before you see one another. Forgiveness is a self act. Battle sa sarili yun (oo, d kayo baliw, nagaganap talaga yang mga muni-muni ala black swan… wag nyo lang masyadong kareerin). Nagsisimula yan when nilafang mo na si Max’s PRIDE chicken and willing ka na magsorry. When they saw each other nga, d na kailangan ng words or sorry. The handshake and sincere effort of meeting each other was already acceptance. In the end, forgiveness is not about the other person. IT’S ABOUT YOU. OO ikaw, wag kang denial queen. Because it’s true, everyone wants to be a better person. And forgiveness is all about that. It’s about trying to be better by letting go of all the negatrons. Mahirap kasing may negatrons sa katawan eh, kakainin ka ng buhay nun at pagnaging negastar ka, you will be missing out on appreciating life. Masmasarap ang buhay ng kaya mong mag-smile na walang irap, nang humlakhak ng buo and tunay and lastly nang magmaganda dahil maganda ka talaga! Inside and out. What transpired yesterday taught me something important-Humans are capable of doing a “divine” (hindi ako, yung salita ng DIYOS ok?) act. It has been done throughout history. So wag kayong maginirate na “di nyo talaga kaya” or “d ko talaga ma-take”. Because it can be done if you are strong enough and we all have that capacity. Kailangan lang ganap natin syang kareerin.

So bongga talaga si Tito boy, next time you feel a bit angry or inis. Kunin mo ang mahiwagang salamin ni Tito boy at tignan mo sya nangmabuti. Do you like the person you are seeing? Is this a person you are proud to be? Kung hindi, magmake-up ka at magpahairdo. haha! Gets nyo na yun!

Be the best person that you can be then we all learn to live with no regrets. Let’s all try to do this together. We all need everyone’s help. Bawal ang mga chuchu na “oo tama ka! maghiganti ka girl!”. Force field mo yang mga taong nega. Be the best for yourself. Because you owe that to yourself.

Much love,

D