AVAIL ANG HOROSCOPE! By Divine and David Milan

Eto katuwaan lang! Since bored kami ni Milan at bet namin gumawa ng sariling horoscope! haha!

Every new year, Tim and I are super obsessed with Lilian Too horoscope books 🙂 Naguunahan pa kami sino magbibigay sa bawat isa. I won this year! Naunahan ko sya! haha! I don’t live my life by it naman, but cute guide and entertaining read d ba? And you will see na swak nga naman yung ibang sinasabi.

So since Love ang palaging issu. Gagawa kami ni Milan ng horsocope specifically for love.

DRAGON:

Avail nyo na! Taon nyo ngayon. Girl, wag palipasin ang chance every 12 years lang toh! AVAIL NA AVAIL na dapat. Wag sayangin ang offer… what life has to offer! Kung wit parin kayo jowa, pagaralan kasi ang sign baka andun ang sagot. Dragon nga d ba? baka may dragon breath. Gawing magtoothbrush palagi baka maiba ang takbo ng pagibig.

SNAKE:

Wag ka kasing ahas! Ang kay jose, kay jose! Karma ang mangaagaw girl! Pero sige, every year is a new year. Tigil na natin ang kakaplay ng “Kung ako nalang sana ang yong minahal” Maghanap ka naman ng single and ready to mingle! Move on and find a match para hindi ka masabihan ni Kristine (No other woman) ng “damit mo ba yan? Akala ko balat mo eh”

HORSE

Ang bilis ng takbo mo gurl! Wag bawat jowa akala asawa na. Natatakot ang love life! take your time! First date nyo palang naisip mo na pangalan ng anak nyo. Palagi kang nakafast forward! Baka d ka mahabol ng love life!

MONKEY

Ungoy. Seriosohin mo naman kasi ang love life. Wag inuungoy lahat! Given na wais na ang maching pero ang pagibig d naman kailangan inuutakan ang kasama. Hindi 5-6 ang pagibig!

SHEEP

Sheep, mahiyain ang dating. Gurl, d na uso ang naghihintay ng gracia. Sabi nga sa no other woman ang mundo parang Quiapo! So ano bang ginagawa pwedeng gawin sa Quiapo? Magshopping(maghanap) ka na ng love life! Mahirap ng mahuli! GOW GOW GOW!

DOG

Alam ko na a dog is a man’s bestfriend, pero girl dapat may lovelife din! Wag kang masyadong clingy sa bestfriend mo. Siguro ikaw yung may traditional na mahal ko sya pero hindi nya alam sa best friend levels. Buti ng clear ka, ano ba talaga friend or love? Wag mo kasing chinacharot baka in the end ikaw ang macharot. Tigil mo na ang kaka-flames mo. GAWAN MO NG PARAAN!

ROOSTER

ETO ANG PINAKABONGGANG SIGN! haha! choz! Sign ko kasi toh. Rooster, matilaok. Gurl, try mo ang quiet time. Magshare ka din ng airtime sa partner mo (OO, natamaan ako). Kung ang Tv nga may commercial break. Wag ka naman parang pay per view na dirediretso.

PIG

Pig, pakademure ka kasi. Baka kaya hindi dumediretso ang lovelife mo kasi first date palang nabutas na ang bulsa sa pagkaavail mo. More is more ang pegalooo mo. Maligo ka din, d pwedeng pang date ang putik putikan. Nung 1980s movies lang patok yung date sa may ilog. Malinis na dapat ngayon!

RAT

Ayan, rat daw. Wag kasing parang daga na butingting ng butingting. Aminin nyo, lahat ata ng password ng jowa nyo ay minemorize nyo. Tapos masamadalas mo pa icheck ang fezbook nya kaysa sa fezbuk mo. Memorize mo na lahat ng “friends” nya at kung ano ang profile photo nila. At secretly mo narin nauntag yung mga photos nya na may kasamang girls. Aminin nyo, pati chismis ng mga walls ng kaibigan nya, alam mo narin! haha! This year, try mo naman, try lang, na hintayin nalang ang problema, kaysa hinahanap mo. haha!

OX

OO na ikaw na ang siga. Ikaw na ang palaging tama. Pero wala ka namang jowa. AYAN! Ikaw tuloy ang talo. OK lang minsan magbigay. Hindi nakakabecky, or nakakababae umamin na mali. Hindi ka Diyos noh! Oxkey na ba?

TIGER

Tapang mo girl! Dapat minsan kuting ang peg. Hindi lahat dinadaan sa tapang. Minsan pa-demure for the win. Kahit charot lang, try nyo baka magwork. Relax relax lang, lahat ata stinestress mo. Ano naman kung 5 minutes late sya? Basta hindi abuso tanungin mo ang sarili mo “ikamamatay ko ba toh” kung hindi wag kang OA.

RABBIT

Talong ng talon! Kuneho! Ang problema sayo, may konting issue talon kagad! Lipat. Try mo naman na steady minsan. Walang sarap kung walang sakit d ba? And minsan masbongga ang love kung pinaghihirapan. Wag naman martyr. iba na yun.

Haha, pinasok lang namin sa signs but yan ang kadalasan na sisight namin na mga issue sa love! haha!

So new year na sa lunes! Sana may love life na din kayo this year!

Much love,

D