Kapag umuulan… ILABAS NA ANG MGA JACKET!

Rainy season na talaga!!! Kaloka! Ilang weeks nang everyday jumujulanis morrisette ha. I’m sure todo lang kayong lahat sa kaka-jacket! Lubusin nyo na yan baka uminit na naman bigla. Alam nyo naman ang weather ngayon, parang becky na maraming booking, KAGULO parati! Choz! Check nyo tong mga ibang ibang jacket na pwede nyong iavail. GOW!


The sports jacket: Aminin nyo simula bata kayo may ganito kayo!

The belted cardigan: Give your ordinary cardigan some rest and go for longer and belted ones. Kasi naman, yung napaka-ikli na normal cardigan, kapag bumuhos ang ulan, waley na. Basang sisiw ang peg mo sigurado!

The bomber jacket: Almost similar to the sports jacket pero this can be styled with an edgier effect. Leather pants lang ang katapat!

The canvas jacket: Kahit ulan o lamig pa yan, siguradong safe ka dito. Ga-kilo nga lang ang bigat! Haha

The cropped jacket: Eto naman mas sophisticated ang peg. Clean lines lang ang ganap. Siguraduhin nyong hindi naman kasing lakas nang Ondoy ang bagyo pag suot nyo to. Pwede na rin tong pang-Baguio. Choz!

The parka: Ayan. Maki-uso lang! Hindi kasama ang gloves ha. Mukha kayong joke time nyan pag nag gloves pa kayo sa Pilipinas. KALOWKA!

The denim jacket: Eto yung peg kapag slight ambon lang. Sweet lang diba?

The tweed jacket: Alam nyo na kapag may meeting kayo or job interview at umuulan. Mag-tweed na kayo! Para masabi nyong nakapag-tweed ka diba? Tarush!

The tailored jacket: Rain or shine, at kahit gimik pa yan, pasok sa banga ang tailored jacket! MAASAHAN TALAGA!

The peacoat: Kapag malakas ang hangin at bumabagyo, eto na ang sagot dyan. Kabog yan kahit t-shirt and pants lang yan! GOW!

The subdued military jacket: Kung may LBD may LBJ din. Samahan nang payong baka mabasa sa ulan k?

The light coat: Wag kayong maniwala sa nagsasabing bawal mag coat sa Pilipinas! Pwede naman ang cotton/light coat kaya. Perfect to kapag naka-dress kayo at mahangin, di kayo masisilipan. Choz!

The leather jacket: Kung feeling nyo lang mag-maganda at magpaka-fierce habang umuulan, leather jacket na yan! Haha

Kaya ngayong rainy season, alam nyo na ha, kailangan parating handa okay? GOW!

Much love,

D