This girl is amazing!

Alam nyo, I must admit we all succumb to bullying sometimes. Even with my posts pag nagpapatawa ako about outfits, some people na hindi gets humor ko may find that rude. I would like to apologize about that. Pero promise, wala talaga akong mean na masama. I would never criticize someone for being ugly, fat, thin, short, tall at kung ano ano pa. Pero baka masabi ko mukhang mantel yung damit – sisihin natin yung mantel. choz! I hope that ma-gets nyo na joke lang yun about the outfit and never about the person. I would never want to attack anyone personally. And hindi ko din feel yung hate chuchu. Kakawrinkles yan girl. Pero pagmedyo tancha nyo sumosobra na pa jokes ko, wag kayo mahiya tapikin ako ha? Nasanay din kasi ako sa asaran namin sa becky nights. Promise, i never take things personal, wag nyo lang sabihin na patay yung kuko ko kasi naipit nga sya at wala na akong magagawa dun. Pagaling narin naman sya. haha!

I have been actively been against bullying- from school talks and up to updates from my friend who is pushing the LGBT anti-discrimination bill in the congress (Thanks Cong. Chedz Alvarez). With the social media and hate sites, the internet is now a place where bullies can easily reign supreme. They can cause people sleepless nights. I have been bullied too, actually pag sinasabihan ako ng physical… eh wala na tayo magawa dun. So tinatawanan ko nalang. But when I started seeing people bullying my sister. Pumatola talaga ako. Inisa isa ko talaga. Gunun pala noh? Masmasakit pag yung mahal mo?

Lizzie made it so clear for us. Nasayo nalang kung tatangapin mo. We are all born good ika nga. And i hope we use this media to help, inspire, motivate and make people smile. Rather than maging masama at magpaiyak. I cannot give you guys a speech as good as Lizzie. But I think I should remind people that sana before we type that hate comment, speech or attack on someone else. Isipin natin na .. may masasaktan tayo. At d ba kung tayo nga ayaw natin masaktan (unless masochista ka), let’s not do it to others.

I believe that everyone is naturally good. I believe that with casual reminders sana we can all help one another. Ayan like Lizzie. She reminded us. Eto blogpost ko reminder din pati sakin and sabi ko may full avail invite kayo na tapikin ako pagnakakasakit nako and hindi na fun and joke time. Ang hirap din kasi minsan noh? Iba iba kasi sensitivity levels ng tao. I treat you guys kasi like how I treat my friends. Kung magasaran kami kulang nalang libing namin ang bawat isa. Hahaha! Pero remind remind nyo lang ako pag may time or pag nakasakit ako ha?

When I was bullied I made a post. And up to now, it is still one of my favorite posts na nasulat ko. Kahit pala may dinadamdam ako comedy parin attack noh? haha! Posted this 2 years ago.

http://www.divinemlee.net/post/3426032030/magmaganda-ka-teh

MAGMAGANDA KA TEH!

People said life is not easy. True. As positive as I may seem, d naman langit ang kama ko at palaging masaya ang gising. Day, minsan din tinatamaan ako ng kalungkutan (or kulam ba yun? haha!).

I realized it’s time to talk about this. I got so many messages/questions about how to deal with a bad day, break-up, hiwalayan portion at iba iba pa. Lahat tayo nagdadaan dyan. Wit ang sarap kung walang hirap diba? But in the end, it’s not how hard we fall that matters but how bongga we stand up. I mean, do you remember ba yung pag bagsak ni Miriam Q sa Ms. Universe? Hindi. Masnaaalala natin yung bongga nyang reentry at pagsagot nya na nang fierce when asked about her fall nang ” I believe that I have stood up for the rest of the women who have fallen whether on or off the stage. I believe that through this example of mine I have shown courage and strength of being a woman, of being who I am, and I hope to be a good example to the rest of the women in the world.” Eh d panalo ng 1st runner up ang loley nyo! In short, ang magaling magcomeback ay winner!

Yun yung sinasabi ko. Tumayo ka and rampa another day. Deadma to chenes na negativity. Be positive. Attract good vibes (baka pati booking ma-attract nyo). Sino ba naman ang nakakabooking nang nakasimangot d ba? We all go through our ups and downs, but what makes us what we are is how we deal with it. Sa pelikula nalang nangyayari yung kapit sa dingding at lumpasay factor. Smile and fight! MAGMAGANDA KA! Don’t take me the wrong way ha, I didn’t mean wag kang umiyak. Kung forte mong mag-crayola then gow. But stand up right after, humarap sa salamin at tignan mo ang chaka pagsmear ang mukup. So magretouch ka and smile. The world is always waiting for a good comeback 🙂

Sometimes, I wake up nang mabigat ang puso, weak or sad. The first thing I do is to look at my bed. Salamat, may kama ako at nakatulog ako. Then look around- for sure you will see something you value in your room- may it be a photo of your friends (salamat sa friendshipeys), the laptop na pinagipunan mo, yung bago mong lipstick, yung halls candy wrapper ng crush mo natinagotago mo… there’s always something to be thankful and happy about. Then work your way from there. Do it the whole day if needed (kung ganun ka ka emotera), basta remind yourself that no matter what you are going through, you are still very blessed.

God gave us personal strength to help us through. At andyan din sya if nagiinarte ka na na hindi mo na kaya may …phone a friend, 50-50 or ask the audience. Maraming paraan sya tumulong. Just open your eyes.

Honestly, believe it or not. I get part of my strength from you guys. Gisingin nyo ba naman ako ng bonggang bonggang mga compliments noh. Parang birthday ko daily. So ganyan, tulungan tayo. I’m always here to answer you guys. Para sa mga demanding, oo na minsan late! haha!

Before i end this post, I really want to thank someone who made me open my tumblr. Ayaw nya magpasabi kasi strict ang payrents nya (charot). But kidding aside, she really doesn’t want me to blog about her (now.. next time na daw pag ready na sya sa speech nya at nagprapractice magbeckimese) but andyan na sya sa mga post ko before. When I asked her why did you force me to open a vlaggey.. she answered “because I wanted people to know the real you. You were down and out and you needed to feel the bonggang bonggang love.” See? nagwork. I feel so much love. Now I’m paying it forward.

Oh sige, tama na emoterang echos ko. haha! gets nyo na? so smile and world smiles with you! pagtinapunan kayo ng bato, parehab nyo! addict yun! haha! 🙂

so when you’re feeling down… MAGMAGANDA KA! 🙂

Nagmamahal,

Inang Reyna

CHOZ!

So ayan guys. MAGMAGANDA KA! At remind remind tayo ng bawat isa pag may time ha?

SPREAD THE GV! Eto GV ko sa inyo. MAGANDA TAYONG LAHAT! THANKS LIZZIE! Reminder lang toh because temptation is all around, pero kilala ko naman kayo eh. GV all the way kayo. Keep each other smiling! Nakafull brights ang ipin ko ngayon 🙂

Much love,

D