Fashion

Most of my designer friends know I’m notorious for editing the clothes…. Aside from the normal styling na palit shoes, bags and accesories. Alam nila na mahilig talaga ako mag gupit, tastas at tahi ng damit. Honestly enjoy ko kasi sya paglaruan and minsan naman best cure yan sa dilema. Ok, this was our adventure last night….

I lost my Pitoy invite so nakalimutan ko ano bang dresscode. I had to call my friends in production to check kung anong suot ng mga early guests. Rajo and I naman planned for another gown but since super pang debut levels sya, sasave ko sya sa debut ko (i never had a debut so gagawin kong concept ng next birthday ko parang debut..hahah! concept lang ha! Para maenjoy ng becklings ang 18 roses. choz!). Instead Rajo sent me a back-up dress from his collection! Lovet! To the rescue sya!

So ayan, i got the dress and I didn’t try it on… hehe! Nakalimutan ko na mataas pala yung bet kong isuot na shoes!

Here’s Rajo’s dress! Ganda! But the problem is… hindi ko makita ang shoes ko! Eh bet na bet ko pa naman sya. It’s not Rajo’s fault ha, d ko sya nabrief!

Buti nalang the event was on a monday night, so full force ang becklings sa balur. We have Buern na hairstylist at may hidden talent na magtahi, Matt and Rcxy who are both stylists, then Jake and Milan na best in art direction! So here! Another project runway levels! Take note, 30 minutes lang toh before my estimated departure. haha!

So from the chiffon skirt ang goal namin is gawin syang mini para masight ang shoes. Option number one! Ang cute! Very Regal! Parang pang Princess Kate Middleton ang drama!

Ayan, pati belt pwedeng props! choz! haha!

Option two naman toh, walang sling… hmmnn… hindi parin kami tapos. Usually Eureka moment yun eh! But bet na bet ko na, ayaw lang nila tumigil sa challenge! haha!

Option 3: One shoulder goddess chuchu! Bongga din but since Pitoy yung show, parang gusto ko gawin mukha pa din very filipino kahit konti. Mukhang Grecian toh…

Option four: BETCHICOLA! But sabi ng beckies sayang ang flow ng chiffon, so need to edit pa!

Option 5: Hmmmnnn… ginawa namin tail yung chiffon para sa likod lang ang drama! haha! Hindi pa din Eureka moment. Kaya pa yan! More options more fun!

Rcxy in action! I love Rcxy, tagal narin kaming magfriends. Nung bago pa akong model at 14 lang ata ako nun, ayun.. kasama yan sa mga tumulong sakin :)

Hala, ayan na si Madam Jake. Pag si Jake ang andyan, asahan mo very Madam ang damit! hahaha! Ayan oh, may shawl na nagaganap na!

We were very careful! Baka batukan ako ni Rajo sa pageedit ko! haha!

With everyone’s vote… ang winning choice! Luma-lanvin! PAKAK!

Check the Lanvin collection! Same peg!

Here’s my complete look!

So see guys, pag hindi magwork perfectly.. don’t stress. Lahat may paraan. And enjoy the process! I am so thankful to be my beckies barbie doll, ayan project runway na naman ang drama namin!

And check this old post of mine. Hindi toh first time! hahaha!

http://www.divinemlee.com/post/7410876244/beforetheball

So guys, again shop your closet! I’m sure marami kayong outfit na pwede nyong i-project runway ang drama! Tipid yan, no need to buy a new outfit!

Again, i love you Jake, Matt, Buern, Milan and Rcxy! Kayo na talaga! Ang creative nyo ha! :) Ano nang gagawin ko without you guys???? LOVE YOU!

In short, PANALO KAYO SA CHALLENGE!

Much love,

D