Kamusta naman na Christmas na in less than 2 weeks? Kaloka! Been super busy wrapping gifts lately and I’m sure in the next few days nandyan na ang mga sunod sunod na Christmas parties. I’m sure kayo din kahit papano mase-stress sa kung ano ang susuotin nyo sa lahat nang parties na pupuntahan nyo. That’s why I listed down my personal 6 no fail tips for holiday dressing. Sana magusutuhan nyo! Chos!

1. If simple ka lang manamit at forte mo ang mag-black, make sure na may something na ganap dyan sa suot mo. Alam nyo naman ang gasgas na gasgas na line na “classic with a twist” diba? Hahaha. Eto na yun! Lagyan nyo nang slit or kahit anong chenes yang damit nyo para naman hindi mag-mukhang malungkot ang pasko nyo diba? Gow!

2. Kung hindi mo forte ang black at feeling mo napaka-kulay nang buhay mo eh di go for bright colored dresses. I suggest pick the fluoro types, yung parang kulay nang STABILO BOSS! Oo, highliter kung highliter! Syempre kailangan kapag nasa party ka kailangan umaangat ka, kaya ayan, pambulag para sa mga friendships!

3. Kung akala nyo ang stripes eh pang summer lang…PWES. MALI KAYO! Charot! Meron din namang stripes na pang holidays. Check nyo the photo I posted below. O diba? Hindi lahat nang tao nagsa-stripes sa pasko kaya I suggest na itry nyo sya para wala kayong kapareho. Hahaha.

4. Kung sawa na kayo sa mga sequined dresses at kung ano anong silver na kumikintab, try no naman mag colored sequins. O diba? Colorful ka na, shiny ka pa! Pak! Fresh lang tignan kapag may color yung sequins sa damit, and para naman hindi malakas maka-j.lo at disco ball ang peg!

5. Nako, kahit hindi ata pasko eh bet ko mag feathers sa mga damit. Bakit ba eh peh ko ang Mulawin? Chos! But really, kung hindi nyo keri mag-feather sa damit, siguro kahit feathered bag lang keri na. I really think kasi that feathers make your outfit fun and at the same time fierce. Ang dami kong sinabi, basta mag-feathers kayo. Gow!

6. JUSKO. Isa pa to. I’m sure alam nyong lahat na eto ata ang pinaka-favorite ko sa closet ko…ANG GOLD! Shining shimmering splendid talaga! Kung di nyo bet mag gold dress dyan, pwede rin kayo to opt for nude satin dresses. Lakas maka-shala!

Ayan, those 6 are just my personal styles for holiday dressing, I’m sure not all of you will agree or meron pang kulang sa list. Basta ang importante naman is make sure your outfits for the holidays make you feel merry, and festive. Yun lang naman talaga ang secret. It’s the season to be thankful for all the blessings and kailangan positive ang vibe para maganda ang pasok nang new year! Bonggels attitude lang ang peg!

Much love,

D