My top 10 Spring 2012 Haute Couture collections!

Givenchy

– ARAY! Ayan lang ang masasabi ko sa nose ring nila. Sakit nyan ha. Kalurks! Bongga talaga ni Lolo Ricardo nyo. Eksenadora lang! May malagay lang na accessories! Hahaha! I bet mas kabog tong mga outfits na to in person!!! Pictures pa lang nang details nakakaloka na.

Elie Saab

– Best in red carpet talaga ang mga gowns nila. Aminin nyo, pang-Hollywood levels naman talaga. Beading kung beading, at sheer kung sheer. Pakak! Winner to!

Chanel Haute Couture

– Sabi nga nang Asia’s Songbird, “BLUER THAN BLUEEEEEE” CHOS! 154 shades of blue lang naman ang ginawa nila for this collection. Kalerks! Sanib talaga si Lolo Karl forever. May sariling mundo. Kanya kanyang topak yan kaya walang pakialamanan!

Zuhair Murad

– Lakas maka-J.Lo nito! BET! At hindi sya masyadong mahilig sa gold! HINDEEEE! Love the first dress, especially. Shining, shimmering, splendid talaga!

Armani Prive

– FIERCE! I’ve always been a fan of Armani Prive’s silhouettes. Sobrang unique pa nang textiles nila at walang katulad. Na-inspire ata sya sa mga ahas dito. Bongga no? So guys, alam nyo na ang hitsura ni valentina pag naging fashyon! Kaliskis ang labanan!

Stephane Rolland

– Ganda nito! Ang linis pero may pasabog na very very light! Bet ko yang mga thumbless gloves na yan. And yung dress sa gitna, sarap gawing pantulog. Chos! Ganda ko lang matulog nyan for sure. Hahaha

Alexandre Vauthier

– ANSABEHHHH NANG CLEAVAGE? HELLO DAW!!! HELLO!!! Haha! Fringe, feathers, at draping… KAHINAAN KO YAN EH! GANDA!

Giambattista Valli

– Ang sweet!!! Nilalanggam na. Hahaha. What is ang babae lang nitong collection na to? OMG! Sana naman isuot ni Kate Middleton yung dress sa gitna. Bagay sa kanya… AT SA AKIN. CHAROT!

Basil Soda

– ISANG MALAKING PAAAAAK! Guys, alam nyo na ang Christmas gift nyo sakin this year. Pag-ipunan nyo na. 11 months to go! Hahaha! Love love love this!

Atelier Versace

– AKO NA TO GUYS. AKONG AKO NA. WALANG KOKONTRA! BONGGA NI DONATELLA FOREVER!

What’s your favorite collection?

Much love,

D