Li Ai in Gucci – Kung hindi nyo sya kilala… Well, ako din! Haha. Pero aminin nyo, ang ganda talaga nating mga asyano ha. Nakakaloka ang ganda at katawan nya. The dress is PERFECT for her svelte figure. Ma-achieve na yan for 2012! Charot!

Natalie Portman in Azzaro – Kung ganyan ako kaganda habang buntis, eh di taon taon na lang ako manganganak! She looks so radiant in the white dress.

Rosie Huntington-Whiteley – PAK! Say nang lola nyo diba. Mario Testino described her as the “English beauty with a Brazilian body.” WALA NA. SYA NA. The dress is perfect for her image — sexy na medyo bastos. Chos!

Cate Blanchett in Givenchy – Pag-tanda ko, SYA ANG PEG KO! Saan ka naman nakakita na a woman of her age who can pull off couture? Kalurkey.

Jennifer Lopez in Emilio Pucci – KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN? LIFE PEG KO! BOW.

Blake Lively in Chanel Couture – Very Serena Van Der Woodsen lang! LOVE this dress on her. She looks HOT without being trashy. Iba rin talaga kapag muse ka nang halos lahat nang designer. Gow!

Uma Thurman in Versace – Isa pa to. She DOES NOT look her age. And that body… My gulay. Her dress made her look more fun and young. This is how a movie star her age should look like. PAKAK!

Ashley and Mary-Kate Olsen in The Row – Bongga talaga forever nang kambal na to. O diba, porma pa lang MOGUL na ang dating! Walang trend trend sa katawan. Kung anong bet nila isuot, GOW!

Gwyneth Paltrow in Stella McCartney – What I like about her is that habang lahat nang ka-level nyang artista naka-todo sa sequins, feathers, at ball gown, ganito ang isusuot nya. Malinis, pulido, at slit lang labanan! Hahaha. Confidence at magandang katawan ang puhunan nang lola nyo. This dress on her is a WINNER!

Emma Stone in Calvin Klein – Grabe tong dress na to. Perfect din ang hair and makeup. She really looked AMAZING in this. Young hollywood ang peg at hindi malaswa katulad nang ibang mga hubadera na ka-age nya! Love it! Panalo si talaga sya for me!

Natalia Vodianova in Valentino – CLAZZ to the nth level!!! Wala akong masabi sa outifit na to dahil nakakaloka sa ganda. DYOSA LANG!

Camila Alves in Kaufman Franco – Aminin nyo, kinabog ang star power ni Matthew McConnaughey nang damit na to. KAIRITA LANG sa ganda nang fez at dress!

Maria Carla Boscono and Liv Tyler in Givenchy couture – One word: FIERCE!!! Grabe the craftsmanship of the two gowns, out of this world! Para silang alien na mermaid na dyosa na ewan! Basta ang kabog nito!

Gisele Bundchen in Alexander McQueen – I HATE YOU!!! CHOS! IKAW NA GISELE! IKAW NA TALAGA!

Kate Middleton in Jenny Packham – Aliw na aliw talaga ako sa kanya. Princess Diaries level talaga yung dating nya in this dress kahit totoo naman talaga syang princess! Hahaha! Kalowka! Sa kanya na talaga ang korona!

What’s your favorite red carpet look?

Much love,

D