Oscars Red Carpet 2012!

Eto na guys! By special demand! Chos! Busy ako today pero go lang! Para sa inyo toh! Enjoy!

Katy Perry in Blumarine – Bluer than blue nga naman. Fun fresh fierce ka talaga girl! Go!

Dita Von Teese in Jenny Packham – Flawless nya talaga. Sya na ang pinaka-clazz sa lahat!

Alessandra Ambrosio in Cavalli – Hatechu! Ganda nyang buntis nakakaloka! Sya na ang buntis na sexy. Pak!

Ziyi Zhang in Elie Saab – Nakaka-miss sya ha. Sana gumawa pa sya nang more movies!

Bar Rafaeli in Cavalli – Bongga nang curves! The dress is perfect on her!

Kim Kardashian in Raoul – Panalo ang 70s hair! Go Kim K! Love ya!

Nina Dobrev in J. Mendel – Galing nang stylist nya. Isa sya sa mga bet ko talaga na mga bagets sa red carpet. KABOGERA!

Diane Kruger in Calvin Klein – Boom! Pasabog! Hoooong sexy grabeeeeeh! Idol! Hay, mga tao talaga, para-paraan para makapag-bra in public. Chos!

Katie Holmes in Elie Saab – Cute nila! Medyo matroniks level nga lang yung hair. Go TOMKAT!

Elizabeth Olsen – Understated lang ang peg. Sheer kung sheer, idaan ba sa talent? GOW!

Victoria Beckham – ANG PANG-LABAN KAY BRAD AND ANGELINA! HAHAHA! INFAIR DIBA PWEDE TALAGANG PANG-TAPAT! GO BECKS!

Maria Sharapova in McQueen – Ayyyyy forte ko tohhhh! Perfect Oscars after-party dress! Short, at very babae! Gondo ha! Love the braided hair. Para syang dyosa ha.

January Jones in Wes Gordon – NA LOST AKO DITO! Teka, babalikan ko to baka may maisip akong comment mamaya…

Vera Wang – Naks naman. Galit sa body fat o. Go lang Tita Vera!

Minnie Driver in Escada – Glam kung glam! May old Hollywood vibe to, so CHECK!

Elizabeth Banks in Chadwick Bell – Cute nito. Dress looks playful, and fun. Bonggels!

Zoe Saldana – Si gaga hindi nag-lakad sa red carpet. Sayang. Isa to sa mga pasabog eh. Love the embellished collar and sheer!

Rosie Huntington in Antonio Berardi – KAIRITA! GANDA LANG ANG PUHUNAN. BOW.

Lily Collins in Monique Lhullier – AY SI SNOW WHITE NAKA MONIQUE! GO PINOYS!

Olivia Wilde in Gucci – Chic in black!

Sofia Vergara in Cavalli – AYLAVEEEET! Grabe talaga si Sofia no? She knows her body well kaya check na check ang red carpet nya!

Amy Adams in Vivene Westwood – Eto yung maglalaba at inipit ang buhok look. Perfect ang push up bra for more lifting! Haha!

Claire Danes in Valentino – Cuteness! Very very sweet!

Natalie Portman in a vintage 50s Dior coture – Sorry naman at naka-vintage ang lola nyo. Pero mas pakak sana kung bongga yung hair! Kulang sa blow dry teh! Pero sa ganda mong yan, di na kailangan. KERI!

Glenn Close in Zac Posen – Jusko day. Sana kapag 60 years old na ako ganyan din ako ka-sexy. KALOWKA KA MOTHER GLENN! KABOG KA! Love the dress on her!

Rose Byrne in Vivienne Westwood – Hinga ka naman dyan girl! Hinga! Parang di sya masyadong happy dito ha. Love the sequined dress kaso medyo bitin nang very very light!

Sandra Bullock in Marchesa – Zzzzzzz… Ay sorry naka-tulog ako. CHAR! Ganda nang embellishments sa dress infair!

Penelope Cruz in Armani – Lola Penelope needs to bring her sexy back. Anyareh? Medyo may ninang vibes. Pero ang ganda mo lang talaga kasi kaya GOW! BONGGA!

Viola Davis in Vera Wang – KALURKEY AGAIN! I love Viola! Pang-Slimmer’s World ang katawan diba? Pero parang ang sikip sa boobs. Pumuputok nang slight.

Shailene Woodley in Valentino Couture – Hay nako Ate Shailene. Ang bata mo masyado para sa dress. Go for more youngness!

Milla Jovovich in Elie Saab couture – GALIT SA SEQUINS! PAK! GO! LAVET!

Michelle Williams in Louis Vuitton – FRESH! Forte ko talaga sya. She veers away from the shining shimmering splendid aka Marchesa gang. Lakas maka-bata nang color nung gown. Go girl!

Jessica Chastain in Alexander McQueen – Kalerkey her face! Ang ganda ganda nya! Love the dress pero mas bet ko to kung medyo may slight accessories diba?

Berenice Bejo in Elie Saab – Keri lang to. Hahaha. Napaka-unforgiving naman kasi nang dress na to. Kailangan tingting ata yung katawan mo para medyo flattering. Sana nag lugay sya nang hair pero all in all pakak ang embellishments and sheer! Haha

Octavia Spencer in Tadashi Shoji – Congrats! Nanalo nang Best Supporting ang lola nyo! Kabog! Mas nae-excite talaga ako sa mga women with figure sa red carpet ngayon. Sila talaga ang mga may baon na pasabog diba! LOVE HER!

Kate Mara in Elie Saab – AYUN NAMAN. Ayaw patalo sa kapatid nya na si Tita Rooney. Forte ko yung may nakalaglag sa braso na strap. Kinky ang peg! Parang may pang-aakit na nagaganap! Hahaha

Kristen Wiig in J. Mendel – Forte nya talaga mag-nude ha. Sa Golden Globes naka-ganito na din sya pero keri lang dahil nakakatawa talaga sya. Panalo!

Leslie Mann in Roberto Cavalli – Ang payat mo girl! Ganda nang placement nang mga embellishments, nakaka-ganda nang curves. Curves daw o!?! Chos!

Stacy Kiebler in Marchesa – Kung boyfriend mo nga naman si George Clooney o… Gold kung gold!

Cameron Diaz in Gucci – Malusog si Tita Cameron ngayon ha. Nawala ang athletic arms nya bigla. Ganda nang detail sa dress!

Meryl Streep in Lanvin – Yan na ang reyna o! Makapag-gold nga naman! Best actress for Iron Lady! She looks stunning and regal, golden girl sya talaga!

Rooney Mara in Givenchy couture – Sanib! Yan ang effortless effort look. GANDA MO GIRL! Red lipchook lang at full bangs! Napaka-virginal nang dress on her! I LOVE IT!

Jennifer Lopez in Zuhair Murad – SI MUDAK AYAW PAAWAT! Kagulo nga lang ang nangyari sa dress! Haha! Ang daming ganap! May cleavage, may cutout sa braso, pati yung grahic beading, lahat na! Tapos may monay pa sa buhok. Kalerks! Love you pa rin, mudak!

Emma Stone in Giambattista Valli – Daming nag-compare sa dress na to sa gown dati ni Nicole Kidman sa Oscars. Bakit guys? Si Nicole lang ang pwedeng mag red dress na may bow sa leeg? CHAR! PANALO PA RIN SI EMMA FOR ME! She’s young, bold, at unkabowgable! GOW!

Angelina Jolie in Atelier Versace – Nako, kapag si Angelina na ang nag-labas nang legs at humawak na ang kamay sa bewang, ALAM NYO NA! TAPOS NA ANG LABAN! DI NA TAMA YAN TITA ANGIE! SOBRA KA NA! KAW NA!

Gwyneth Paltrow in Tom Ford – Ang winner nang gabi wala nang iba kungdi si Gwyneth! Sanib ka girl! Perfect ang cape, accessories, at hair! Nilampaso silang lahat!

Who was your favorite look at the Academy Awards?

Much love,

D