Olivia Palermo AND Johannes Huebl for LA MER

My fave couple! Sila talaga peg ko! 

Ang fresh!

Kung hindi ka pa na iinis! Wait, there’s more! haha! Victoria’s secret video!

Maka bili na nga kahit mahal! Choz!

Much love,

D

LADLAD 2011

I WANTED TO REPOST THIS TODAY FOR LEELAH ALCORN. FLY BABY GIRL.

 

I think it’s already no secret that I am an avid supporter of EQUALITY. Equal rights for my friends and love ones.

To read my other articles about this please click link.

http://www.divinemlee.com/tagged/equality

So I guess it’s no surprise to everyone that I finally joined Ladlad. Opo, hindi po ako tunay na becky but as the founder said to me last night… HONORARY BECKY ka na :) So, ayan best in proud naman ako dun :)

So rather than paulit ulit kong explain why I’m fighting for this cause. Basahin nyo yung artciles ko. choz! hahah!

I really feel level up na toh, to be part of this organization means masmadami na akong makukuhang info to help me with my battle. Our battle. I am not pretending to know all the technicalities. Hindi po ako expert. Ang akin lang po, ayoko po na nakikitang sinasaktan ang mga kaibigan ko, sinasabihan ng masasamang salita, at inaapi. Yun lang POWHZ.

Elmer and Milan came. Actually kasama kasi sa speech ko si Elmer kaya bet ko talagang nandun sya. Akala nya moral support lang :)

Here I am with the founder Danton and chairperson Ms. Bemz (She’s the sweetest :))

Wanted my pretty friend Xtina to come also kasi kasama sya sa speech ko nang hindi nya alam :) I love you XTINA!

My mother Chuck! Sya talaga ang motivator ko. Maraming salamat sa pagmamahal. Ako ang bagong cobra hair member ng mga alaga nya. Others are Zsa Zsa Padilla and Verni Varga. See the similarities? hahaha!

Listening to the other speeches….

So hindi ko na papatagalin… This was my speech kagabi. According to my videographer V, a few lines were cut when he shifted angles :)

Here is a copy of my speech. Honestly, hindi ko sya nasundan kasi kabado ako at adlib ako ng adlib. My Um problem comes out when I’m nervous! haha! Can you see the difference sa hosting ko? Sa hosting kulang nalang pababain ako sa kadaldalan ko. hahhaa! Pag ganito, kabado ang lola! hahaha!

MY SOLIDARITY SPEECH FOR LADLAD!

GOSH NEVER AKONG NAGNONOTES OR NATATAKOT mag-speech but in fair.. napressure ako sa inyo ha!

Before coming in, inisip ko.. paano ko ba gagawin toh? Straight english ba para may slight CLAZZ naman ako, or makatang tagalog ba dahil bongga din at mapuso magtagalog, or beckimese ba dahil hindi na maitatago na fluent din ako dito? Then narealize ko.. na in the end never ko naman kinailangan magpretend sa inyong beckies. Sa mga kaibigan ko . Kaya I’ll just do this ike how I would normally do it.

Sobrang mixed ang emotions ako tonight! A part of me is super, duper happy dahil feeling ko the mothership is calling me home when I received this invitation to speak today! Actualy aminin ko na, kinilig ng slight when Ate Bemz texted me kung ok ba sakin yung intro ko. Tapos dun sa intro nakalagay NEWEST MEMBER OF LADLAD. So as usual, alam nyo naman best in OA ako kaya ng hindi ako nagtry ng acting sa showboz eh- nagtatatalon ako sa bahay. Akala ng ata ni Victor eh tumama na kami ng lotto.

But aside from the excitement, na slight naloloka at natetense din ako to give this “solidarity speech” dahil baka ma-okray ninyo ako. Lalo na nung nakita ko gaano ka bongga yung speakers nyo like yung kaibigan kong si SASS na 10t times ko ata pinanood yung speech nya sa UN. But sige, kareerin ko na toh…

First of all, wit ko keri i-claim 100% na naiintindihan ko ang mga concerns at issues dahil obviously hindi naman ako 100% true-blue na Becky, although sa tangkad kong ito at bilang mahilig pa ako maghigh heels, in fairness ilang beses narin akong napagkamalang becky. At patuloy na yan ang blockbuster hit question talaga sakin sa twitter. “Ms D , becky po ba kayo?”

Pero this I can claim with full confidence at never ako mag-babackle when I say na “Mahal na mahal ko ang mga bakla! Mahal ko ang LGBT community.” Sa lahat ng phases ng life ko bakla ang kasama ko…whether may bonggang ganap sa career or na-lost ako sa love-life, ang katabi ko at tumanggap sa akin at nag-mahal sa akin unconditionally ay ang mga kaibigan kong becky. Never nyo akong jinudge kahit ang chaka na ng smear ng makeup ko sa kakaiyak. Joke nga nila Rajo and Nix sakin na “SOME PEOPLE ARE RAISED BY WOLVES, BUT DIVINE WAS RAISED BY BECKIES.” So ayun, sa lahat ang angolo ng buhay ko. Kayo ang andyan.

So, hindi na natin matatago. Proud ako to say na yes, Baklang Babae ako! As in Baklang, Baklang Babae!

I would usually get letters everytime may ilabas akong article about satin na thank you for inspiring us or mga chenes na ganun. But sa totoo lang, you guys inspire me more. I get my strength from you.

Dahil sa daming challenges at discrimination na hinaharap ninyo sa mga buhay ninyo, eh ganun padin ka bongga ang arrive nyo, at ganun padin kayo ka maligalig at masayahin. Umaapaw po kayo. From the actions you show me, from the examples that you do – palagi nyo akong tinuturuan na lahat kaya nating harapin!

For me it’s a blessing from God na ipanganak ang isang tao na Bakla. Aside from Ang gaganda…grabe tayo mag-mahal, OA ang talent ng mga bakla…at halos lahat ng mga bakla na kakilala ko super hardworking, super mapag-mahal sa family and friends, napakapositive, at most of all very dependable at masayang kasama. in short complete package. At isa pa contrary sa pinag-sasasabe ng ibang taong di nakakaintindi or ayaw tayong intindihin…well, grabe ang takot at Faith ng mga bakla sa Diyos!

Alam ninyo, ako, ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay very, very loving and very, very accepting and very, very forgiving…wala siyang pinipili. Dahil dito po, nabubuhay ako sa paniniwala na lahat ng tao ay nilikha ni God at mahal ni God at lahat ng tao ay pantay pantay!

Whether Becky ka or hindi…I’m sure magdudugo ang katawan mo pag nasugatan ka, pare-pareho tayong na-i-in love at nag-fa-fall out of love, pare-pareho tayong may mga pamilya na minimahal at inaalagaan, pare-pareho tayong tao na may hopes and dreams…o diba? Pang Miss U na ba ang mga sinasabi ko?

Pero totoo naman diba? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong ang heavy at ang ne-nega. Hello, 2011 na mga ate diba? Dapat non-existent na ang homophobia…My gosh ang betamax nga at VHS at pager na-phase out na…dapat i-phase out na rin ang homophobia!!!! Ang 70s at ang 80s ng homophobia…D ko sya bet!

Hindi man ako yung nakaramdam, hindi naman ako stranger sa mga kaganapan. Like yung isang kong sister na si Xtina, hindi pinapasaok sa iibang establishments dahil naka-cross dress …Hello! Ang ganda kaya ng friend ko! Masmaganda pa kaya sya sa karamihan ng ghelay dun. And one time rumarampa ako sa Boracay with Elmer, tapos babastusin siya ng mga bangkero dahil nakamicro mini si loka…SA TOTOO lang, eto yung mga moments na ginagamit yung line na .. sana ako nalang. Dahil honestly, minsan masmasakit pa atang makitang napapahiya yung mahal mo sa buhay than kung saan nangyari. Eto yung mga moments na naiisip ko na sana ako nalang yung kinutsa. Yet, no fail yan pag ginaganun si Elmer at Xtina, never ko nakita na nagpakita sya ng masama sa mga hindi nakakaintindi. Love parin yung pinapakita nya. Yun ang gusto ni God d ba?

So, bakit ba ako nandito? Gusto ko kasi tulungan nyo ako. Ako po ang humihingi ng tulong sa inyo. Gusto ko magising nang isang araw na ang tinitignan ay yung talent natin, yung laman ng puso natin, yung character at personality natin at hindi po yung Blondinang Hairerete ni Xtina or yung micromini ni Elmer! Nalulungkot kasi ako paginaapi yung mga kapatid kong becky.

Gusto ko magising isang araw kung saan lahat ng mga bakla ay pwedeng mag-apply sa kahit na anong work. Gusto ko na excited sila sa job interviews, na hindi ko kailangan kabahan habang naghahantay sa kotse na baka kinuktsa sila sa interview sila. Gusto ko, Whether pa-girl yung becky or pa-mhin or fairy fairy, or lola divang bakla maha-hire sila dahil sa kakayanan nila at talent! Sana dumating yung day na pwede tayong pumasok sa kahit na anong establishment whether naka jeans at polo shirt lang tayo, barong or americana, or naka blond wig tayo na kulot at naka-high heels…at seserbisyuhan at rerespetuhin tayo ng bonggang bongga like everybody else.

Nakakasakit ng puso sa totoo lang! Pero ok lang, kasi naniniwala ako na pwede tong maachieve. Madami tayo…napaka-dami natin at pag nagsama-sama tayo mangyayari ang dream natin of equality! Volt in na. Keri natin toh!

Sa gaganda at galing nyo at nating lahat…kayang kaya natin iparinig sa lahat na may boses tayo at dapat tayong seryosohin dahil ang laki ng naitutulong natin sa mundo! Dapat ma-realize ng lahat na we come in different shapes and sizes…parang sapatos- may stilletos, flats, rubber shoes, at iba iba pa. Dapat ma-accept nila tayo, dahil our differences make us special and unique. We should celebrate diversity.

As I’ve said, marami taong variations… talo pa natin ang eat all you can buffet na blue plate sa triple V. Pero in the end lahat tayo Creation ni God, lahat tayo ay tao, at lahat tayo maganda…kahit na anong label pa ang ilagay sa atin…lahat tayo pantay pantay at lahat ay may rights whether political, social, religious or individual rights! Actually hindi na nga natin dapat ipag-laban ang mga karapatan natin diba? Dahil karapatan nga yun eh…dapat kusang binibigay…kaso hindi eh, But gaya ng turo sakin ng mga beckies. Positivity! Kaya kailangan natin pagtulungan toh!

Sana ma-realize ng lahat ng mga tao blessing natin toh sa Diyos. Na dapat respetuhin nila toh. Na dapat mahalin nila toh.

Hindi ako pinalad na maging totoong Becky pero keri na rin…dahil if ever magka-anak ako…I will really, really pray to God na sana mabless nya ako ng isang Becking anak. And sana by that time na bigyan nya ako ng becky, naisaayos na natin lahat. Nasigurado na natin na hindi na po ipagkakait sa atin ang karapatan na atin naman talaga. Napakasakit na po na nakikita na inaapi ang mga kaibigan, ate at kuya ko. Hindi ko po maimagine kung gaano kasakit bilang isang ina na makitang inaapi ang anak kong becky. Yan po ang tulong na hinihingi ko. Na when the time comes na dumating ang becky na anak ko, sana po happy ending na tong battle natin. So ending na toh guys… Mabuhay ang Ladlad at Mabuhay tayong lahat. Mahal na mahal ko po kayo. Ako po si Divine Lee, isang babaeng becky, at your service.

I thank you! Bow!

Guys, yan ang speech, medyo iba na ang variation from what I said. I never read kasi speeches. I like to say whats form my heart. Usually, guide lang yung papel. So as I said, kailangan ko ang tulong nyo. Tulungan nyo po kami. Tulungan nyo ang future becky anak ko. VOLT IN!

To be a member of LADLAD easy lang!

Go to their website and contact them thru email for a membership form.

http://www.ladlad.org

Follow them on twitter for updates on our activities

http://twitter.com/ladladofficial

Join the Yahoo groups! You can get a membership form from this group. Fill up and email! Ganun ka easy maging member!

http://groups.yahoo.com/group/LadladPartylist/

Like them on FB!

http://www.facebook.com/LadladPartyListOfficial

Mag guestng aka visit narin kayo!

LADLAD Headquarters

Unit 3-C 4K Plaza Bldg.
677 Shaw Blvd., Brgy. Kapitolyo
Pasig City, Philippines 1600

+63-921-3902271
+63-933-1233389
+63-2-5848029

help me? Love you guys! uulit ulit ko.. MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT.

Special thanks to Rajo, Nix, Robby C na walang hinto na pagpapaalala sakin na “hindi ka babae.. haha! NO GIRL WOULD SAY THE THINGS YOU SAY”

To Elmer, Dennis, Milan and Becky nights team na palaging andyan supportahan ang mga kabaklaan ko. hahha!

To Ginggay, who told me.. girl… labas mo na yan! Bakla ka talaga. hahaha!

To Timmy – I love you hubby!

And to my becky girls… alam nyo sino kayo :)

And to all my friends! Nakahit hindi ako maintindihan, pilit nilang pinagaaralan ang beckimese (FLo, Wya, Dima, Pam)

AND THE FIERCES! You know who you are!

AND LAST BUT NOT THE LEAST!

To V, na kahit saan sinasamahan ako. Luv yew!

And Mother chuk… alamoyan!

Much love,

D

Lipsticks and Boys!

Watch this! Bakit ba hindi kami close ni Tom Ford at ganito ang regalo sakin?

Screen Shot 2014-12-30 at 10.55.23 AM

 

Read more to see all the colors! (more…)

Fashion Videos!

My fave fashion videos to watch now! So far bet ko parin yung Chanel ni Giselle na nagsusurf na parang d naman nababasa. Haha! But here are some good ones!

 

Pharell and Cara for Chanel!

Watch more fashion vids! (more…)

I LOVE THIS VIDEO OF CARA!

Ok! We all love her goofiness! Bet ko talaga mga medyo magulong tao! Cara!


I collected mga bongga fashion videos for you tom! Watch out for that! Same time, same place… charot! Lakas maka 90s nang tagline!

Much love,

D