Beauty

Bet ko talaga sa mga magazines yung spend and splurge section nila. So i decided to do a save and splurge section dito para kabowg!
I have a scent addiction. Alam nga tao yan, sensitive kasi yung ilong ko at normal sakin yung bahing ng bahing. So in picking scents very maarte ako. I like those na hindi ako magaallergy and yung type na tatatak na sayo talaga. Ang trick kasi sa scents is that you are looking for a high concentration ng oil para that last longer. Yung tipong isang spray, keri na the whole day. But yun nga, addict nga ako dyan so normal na masisight nyo palagi akong best in spray. So before ko bigay yung best bets ko, naresearch ko na ang ganap to make your scents stay!
How to wear it right….
a) Spray natin yan sa tamang lugar! We have areas that will make it last longer. So that would be your pulse points such as behind the ears, sa wrists, cleavage, knees at kung gusto nyo paabutin nyo narin sa ankles.
b) Lotion before perfume: para kumapit ang ganap. use unscented
c) hair is power. avail nyo yan. lagyan nyo din very light, wag nyo naman ipaligo.
So eto na.. my faves and why. Unahin natin yung mga “SPEND”, ibig sabihin need nyo syang pagipunan and pag birthday nyo lang isusuot. Or kung may balak kayo. choz!
Armani Prive Line
Etong mga nakalagay dito are special. They don’t usually sell sa ordinary perfume store. It’s only available sa mga stores ng armani na pili lang din. Usually parang may kasamang ginto ang presyo nito. haha! About 10t-18t a bottle. This can be ordered thru shophk.by.kc@gmail.com.
Unang una, ang bongga ng lalagyan! haha! I know some areas pa, it comes with a wooden box pag bumili ka. I’m trying to look for a photo fo it, but waley ako makita. Nasight ko sya sa HK. You get it when you buy 2, 4 or 6 scents… nang isang bilihan! haha! So presyo nya dapat cabinet na yung isama noh! haha!
The oil concentration is pretty high, so para sakin spray sa umaga, 3pm na naamoy ko parin sarili ko. haha! In the long run, tipid meals din sya. Madaming scents so you can probably ask SHOPHK.BY.KC@GMAIL.COM for details. Bet ko yung rose!
Tom Ford Private Blends
Another crowd favorite is Tom Ford. Honestly on first spray matapang sya, but scents have 3 notes, meaning may 2 type kang maamoy.. yung pagspray immediate mo maamoy or top notes, yung middle and finally the base notes. Yung talagang lasting. Bongga itich because the base notes are distinct. Yung tipong mapapalingon ang booking!
D ba? ang shala ng box! So far we have tried (dahil fave din ni V toh), Oud wood, Noir de Noir, Arabian Wood, Amber Absolute, Tuscan Leather, Tobacco Vanille, Santal Blush. Ayan, ganyan sya kaaddict dito na hindi sya bumibili ng iba. We share scents din kasi. It’s said to be unisex, but more on pang lalake talaga… pero super sexy sya sa babae. Meron talagang women para sa mga pa-girl ang bet! Actually sana may magregalo ng coffret sakin. hahaha!
D ba? Perfect sa bag! But i usually use testers pang bag or atomizers! :)
SAVE OPTION!
ZENZEST
Hindi marketing stitnt toh, i actually tell you guys the truth all the time. Sino ba lolokohin ko, eh nakatatag na toh walang burahan pagna-vlag mo. haha! What actually gave me an idea to blog scents is that kahapon may nagtweet na 10 feet away palang daw amoy nako sa blogopolis. When I was in SM naman, tweet sakin umalis na daw ako sa resto, may scent parin! haha!
When i first spoke to Michelle, may obsession talaga sya for scents like me. Actually, bata palang ako pag dumaan daw ako para daw may burol dahil amoy floral na dumadaan.. sensya na akala ko talaga dati POISON lang ang pabago. Tapos best in getlack pako kay mudak. D ba? Keri nyo yung grade 3 tapos POISON ang pabango? haha!
So when we were talking, sinabi ko talaga na ang d ko keri yung mabilis mawala. I literally asked Michelle kung bakit yung mga diffusers nya, pagbukas palang parang mas nakabasag na ng pabango. Kasi si Lola Michelle, pihikan din sa scents! So she makes sure that matapang ang oil concentrate ng perfumes nya para long lasting.
Try the EAU DE TOILET line, mas long lasting sya. But the easy sprays refreshing. Pinakabet ko yung scarlet na scent. And Mai Tai for the sprays! try nyo lahat and see anong bet nyo. Bongga yung nakaalis ka na, may amoy ka pa… AT MABANGO HA! Hindi putok na gumuguhit sa ilong! haha!
Since nasa Zenzest narin tayo, bongga yung mga diffusers, room sprays and linen sprays. Aminin, masarap matulog pag mabango ang kwarto at kama! Well, sama nyo na kung may booking kayo. haha! So same goes for the diffusers na bawat kanto ng bahay ko meron. haha! Malakas yung amoy! And lasting. Meron din syang mosquito repellant diffuser, so yun ang fave ko talaga ngayon!
Eto ngayon ang nakalagay sa wardrobe area ko. I also use the rooms sprays and linen sprays. Sa super fave ko, i made it my Christmas gift for everyone last christmas!
Oh ayan! Ang dami ko nang na share na choices of Xmas gifts for you guys!
So for room sprays and diffusers dun sa maraming budgey! You can also check these choices na fave ko din!
Frederic Malle
Oh, konting intriga lang. Remember nung nagliligawan si KC and Piolo? D ba nagorder ng isang box ng pabango si Piolo from France kasi dun lang nabibili yung fave perfume ni KC. Eto yung brand na yun! They started making diffusers and scenters so bongga sya! Bet ko yung may machine na ganap!
Meron yung simple type na no battery
May room spray din, na very fertilizer ang look! haha!
And finally the motorised diffuser
I think waley pa sa pinas nito, but pwede nyo email SHOPHK.BY.KC@gmail.com if bet nyo!
Diptique
Ang bongga talaga sa diptique is that ang ganda nung lalagyan! Maganda sya idisplay!
Hindi sya bettery operated, wag kayong magalala.. akala ko din. You just have to flip it para magdifuse sya ng scent. Para syang timer sa scrabble, very hourglass! haha! Super nice! But so far isang scent palang meron, but bongga naman sya. Very fresh, citrus and lemon ang peg. You can buy this in Rustan’s.
Ayan, para laging amoy downy! choz! Ayokong may machichizmax sa inyo na may putok ha! haha!
Much love,
D
  • http://twitter.com/abylovinu ♛ Aby C.

    same here, allergic din ako sa ibang scent. super bahing din ako pag hidni bet ng nose ko un pabango. hehe XD i love you divine lee! XD

Recent Post