I’ve been thinking about how to start this entry. Honestly, magulo pa talaga isip ko kaya please bear with me for this post.

Before anything, I will be honest to tell you that I already know na no matter what I say meron mga ibang tao will frown upon the idea that I am blogging this. Ok lang po, kasi hindi naman ako nandito para mag-grandstanding. Nandito ako para sabihin na kailangan natin lahat tumulong. I personally went there to see kung ano ba talaga ang nangyari, anong tulong ang kailangan at ano pa ang pwede natin gawin.

As much as I want to keep this as quiet as possible, I think we really need to make noise for the support and help they need is kulang pa talaga. In the end, Marami pa talagang may kailangan ng tulong natin and sana dun tayo magfocus.

Noong nag Ondoy, si Angel din ang contact ko. So nung nangyari si Sendong, hindi na ako nagulat na nagtext sya kagad and of course personally gusto ko din malaman talaga and the best thing is to be in the forefront. Same like Ondoy, pinili namin na makita sa sarili naming mga mata. Bagets pa naman kami so keri pa ng katawan so thank you na healthy lahat at kaya pa namin gawin etong mga toh. So ayun, we enlisted ourselves in gathering funds and personally visiting with Gel, Phil, Maxene, Neil, Chito, V and our friends from RedCross.

I cannot speak for anyone else but myself but lemme tell you what I felt after seeing what happened in CEO and iligan.

The minute you get to Iligan, you will already see the traces of what Sendong did to the city. Water marks on houses, broken bridges, mud all over, displaced residents at pareho ng mga nakikita nyo sa news (only this time all senses.. hindi lang visuals on the screen). Technically, the sadness is like a xerox copy of what the Manileno’s experienced with Ondoy. Habang nakikita ko lahat, wala na akong nasabi but buntong hininga nalang. But more than what the eyes can see, what I felt was the harder part for me. I’m sure narinig nyo na yung quote na ” I don’t know where to start to pick up the pieces”. Yun exactly ang naramdaman ko. Aside from the disaster sa kanilang bayan, I cannot seem to find the right words to describe what they must be feeling. Pero sige, try ko explain as inyo.

From the relief center, to the repacking hanggan sa community, medyo busy lahat. High energy and hindi ka makakaramdam ng pagod dahil sa dami ng kailangan nyong gawin. Lahat actually ng realization sa plane ko nalang naramdaman. Late nag sink in but napaiyak nalang ako bigla. Some people may say na mababa ang luha ko but tell me… Where and how do you start? Lahat tayo dumadaan sa problema but kaya mo bang maisip na hindi nila sigurado yung next meal nila- honestly hindi nga natin iniisip yun-assumed nyo na na paguwi nyo, may pagkain na hinanda ang pamilya nyo. Eh paano yung ni pamilya mo hindi ka sigurado kung patay or buhay? At hindi mo mapaglamayan dahil iniisip mo pa san ka sisilong sa gabi? Paano naman yung may konting ulan ay kinakabahan ka na- hindi dahil sa mababasa ang bagong sapatos mo but karamihan nga sa kanila walang mga pampalit na damit. How do you start life again kung lahat ng pinaghirapan mo sa buong buhay mo nawala ng isang iglap? Paano yung wala kang kaibigan na matakbuhan dahil lahat sila may kasing laki ng problema na pinagdadaanan mo? Naku, masmadami pa akong naisip pero baka mapuno ko toh. Ilan lang toh sa mga iniisip kong pinoproblema nila. Inisip ko nga, kaya ko ba tumayo sa umaga kung sakin nangyari yun? Saan magsisimula? Anong iisipin ko muna? Anong dapat ko gawin muna. Honestly, overflow of emotions and in the end.. wala na akong nagawa naiyak nalang ako. Kaya ganun din tong post na toh.. medyo kagulo. Pasensya na. Hindi ko alam kung napaliwanag ko ng mabuti but sana kahit papaano napakita or paramdam ko sa inyo yung nangyayari sa Iligan at CDO. But all in all, i guess it reaffirmed my bilib sa human spirit. Nakakabilib yung mga survivors. Napakalakas nila.

Magaapologize na ako kasi wala parin akong naiisip na concrete na solution kasi ni hindi ko maimagine kung paano at anong gagawin ko kung sa akin nangyari yun. But in the end, ang naiisip ko lang talaga is to at least yung mga kaya natin iaabot na pampagaang ng buhay gawin natin. Yung sunod na meal nila, yung kailangan na basic needs nila. But kung paano nila sisimulan yung buhay nila, i can only wish and pray.

Now back to the question. HOW CAN YOU HELP?

I know a lot of you guys are willing to help. But mahirap nga naman planuhin so yun ang sinigurado kong i-research for you guys (thanks to GEL and Red Cross na hinarass ko sa mga notes ko). Especially if malayo kayo sa CDo. I have steps na pwede nyong gawin.

Option 1: Goods

1. If medyo mahina tayo sa anda dahil kakalipas lang ng pasko. Let’s all shop our closets. Be the pack leader and isa isahin mo yung friends nyo to donate old clothes. Pagnacollect nyo na at meron ka pang pwedeng harbatin na goods sa ref nyo, gawin mo narin.

– GO TO LBC (they ship for free)

– If wala kayong contact dun you can ship it to

PHILIPPINE RED CROSS ILIGAN CITY CHAPTER

Don Peder Celdron Ave, Rosario Heights, Tubod, Iligan City

– Then call them to say may sinend kayo (063)223-1065 (Administator of this chapter is GENEVIEVE C. AMODIA)

Option 2: Cash

If you have aguinaldo at xmas presents. Share nyo naman yan 🙂 You can even ask your friends to do the same. Ika nga nila, damayan 🙂

Account: Acct name: PNRC
Acct # 0671-01273-1
Bank: Allied Bank-Iligan Branch

Option 3: Web donate

Dahil techy kayo you can donate thru credit card or paypal.

http://www.redcross.org.ph/donate

You can also find details of where you can deposit in other accounts of Red Cross. Yung sinabi ko sa option 2 is the chapter na sinamahan namin. Nakita ko kasi yun na super kailangan nila.

Option 4: Load for Cash

Kung wala kayong anda but sagana kayo sa load (baka pwedeng magpapasa load narin kayo sa mga jowa nyo). This is a way to donate 🙂

SMS
Text RED<space>AMOUNT to 2899 (Globe) or 4143 (Smart)

G-Cash
Text DONATE<space>AMOUNT<space>4-digit M-PIN<space>REDCROSS to 2882

You can donate the following denominations:
Globe: 5, 25, 100, 300, 500 or 1000
Smart: 10, 25, 50, 100, 300, 500 or 1000

Option 5: Volunteer and visit Iligan

I urge people to see it. Mahirap talaga i-explain kasi nakita nyo ang gulo ko nang kausap dahil hindi ko talaga alam paano ko sya eexplain ng mabuti. So this can be an option.

Bago kayo pumunta here are the things you should do.

1. Call Redcross Iligan or CDO. Update them na balak nyong tumulong. If taga doon naman kayo just walk in, they always welcome volunteers.

2. If gusto nyo magvisit, better na din na maglikom na kayo ng relief fund or goods. The goods pwede nyo dalhin or i-ship in advance. You can also gather funds then padala nyo na sakanila yung money then let then sort the goods. Papiliin nila kayo kung anong type at set ang magkakasya sa budget nyo. Here are some sample sets from Red Cross. remember, lahat po ng donations nyo may receipt. So no need to worry.

A) Kitchen & cooking utensils:
– kaldero (big)
– kaldero (small)
– 1 frying pan
– 6 baso
– 1 dozen fork & spoons

B) Basic
– 3 kgs of rice
– 3pcs sardines
– 3pcs noodles

3. Plan your visit. Find out saan yung barangays and ilang families yun. Red Cross can give you details about it. Para alam nyo rin ilan yung target nyo na goods and fund na i-raise.

4. Kapag all set na.. packing list nyo. Copy ours…. (Thanks Gel! haha!)

1) Bota
2) Rubber shoes
3) Extra shirts
4) Extra pants
5) Pantulog
6) lampins/towels
7) Slippers
8) socks
9) First aid kit
10) Alcohol
11) Cologne
12) Toiletries
13) Flashlight
14) Underwear
15) Waterproof Jacket
16) Snacks
17) Water bottle
18) Plastics
19) Personal stuff nyo

5. You can take Flights to CDO and take a car to Iligan (mga 2 hours yun). Red Cross can help you with it. Pal flights to CDO is about Php7,700.00. If ayaw nyo naman mapalayo, you can do CDO instead of Iligan.

6. Where to stay:

http://www.iligantoday.com/iligan-hotels.html

AGODA CDO

1st day: Evacuation Center (Organized ang Red cross may claim stub na na-ready)

Pinipilit ni Angel si Chito kumanta. haha!

After distribution, repacking sa gabi

Goods are divided into basics and food. So sa basic may balde, trapal, sardines, and sack of assorted kitchen/cooking pieces

Human chain is still the best way to “transport” goods

We had to arrange the goods we were giving away the night before.

The next day.. human chain ulit papunta sa truck

thank V. Nilalagnat sya. But he still joined us

Meeting about daily agenda

Wag na kayo magmakeup guys. Haha! Pasensya na sa kilay ko at sa kabuki look. Wala akong bronzer. haha!

Tanod Miranda

We joined the truck to pick up more goods

Gel and Phil

Neil, Max and Chito

D + V (oo, puting inchik po talaga ako pagwalang bronzer. Haha!)

Neil and Max

V

Magandang ab workout toh, d nyo akalain naka 500 na pala kayo. Make sure to switch sides ha! haha!

We gave away water jugs. Clean water is still a problem.

Blankets.. We had different areas para masefficient

Mantika at toyo kay Neil and Max

Bigas at canned goods samin ni V

May problema ka neil? haha! Ang cute nila. Palagi silang nagtutuksuhan! haha!

Mukasim na si V. Naamoy nya siguro sarili nya.

Chito was in charge of helping the elderly

We said our thank yous and goodbyes. Hindi na ako nag mic. Iyakin kasi ako. baka maiyak ako.

Tuksuhan portion 🙂

Si V nalang nagmessage 🙂

We decided to pick the area na hindi masyado naabot ng relief. Sana ganun din kayo if pumunta, madami pa kasing areas na malayo sa relief centers. Communities ang andun.

This is what you will see. Hindi ko na nakunan yung iba like the cars na nakataob and all…

can you see the fence? Yung dumi? Makikita nyo yung water line.

Putik everywhere. Makikita nyo din yung mga clothes na putikan sa kalsada. So they really need clean clothes. Hindi na ata malilinis yun.

Can you see gaano ka wiped out? look at the tree line…

Last request, if wala tayong magawa talaga… let’s share, reblog retweet and all. Kung contest ang sagana natin! kaya natin toh for this! BANGON ILIGAN AND CDO!

I hope kahit isa dito makatulong tayo. Ang haba ng post ko, sige na xmas gift nyo na sakin toh. PUHLEASE 🙂 And malapit na bday ko, puhleaseee! 🙂

I love you guys and let us not forget the christmas is all about sharing our blessings 🙂 (hindi blackmail yun! pamapaguiltrip lang. kidding. I know you all wanna help- isa pang guilt trip. haha 🙂 )

Last, before I end this.. i wanna thank all the people who helped me with this.

The RedCross volunteers- I love the Chikahan and bilib ako sa inyo. Wag kayong maniwala sa iba pagsinabi nilang THEM ALREADY. HINDI! It’s YOU ALREADY!

Gel, Max, Neil, Phil, Chito and V- Salamat ng bongga. I’m so happy na kayo ang kasama ko for this.

To Iza Calzado- So sad hindi ka nakapunta but na-feel ko ang spirit mo 🙂 Thank you for gathering donations.

Sheree and Freeway group, Nino Reyes, Congressman Ryan Singson and Patch, Congresswoman Chedz Alvarez, Faye Yumang, Michelle of Zen Zest, Elmer Lapena, Charmaine Palermo and Will, Danes Lee, Anicka Zaragoza, Fayinna Zaragoza, Mary Grace, Wyanet and Adrian DImacali, Alta and Speedy Lyttle, Khaz Alim, Ino Caluza of Viktor jeans, Marilen Faustino of Extreme Design team, Chuck Gomez, Jake Galvez, Robbie Carmona, Martin Bautista, Tinz, Kristine Chan and (sorry hindi mo natext full names…),Tina Daniac, Halley Ali or Madam, Kermit Tesoro… Maraming maraming salamat. Iba kayo! Asahan nyo din ang aming supporta.

Sorry if ang gulo gulo ng post na toh. Spelling, grammar etc. But ang importante is gets nyo yung sinasabi kahit wrong spelling pa. haha!

Much love,

D