I’m sure all of you will agree that a style star’s distinct trait is by being original when it comes to dressing up. Yung parang kapag nag-bihis ka eh sigurado kang wala kang kagaya. Na kahit may kapareho ka nang damit, iba pa rin the way you would wear it. Eh sa dami ba naman nang trends ngayon more or less para kayong naka uniform nang katabi. If you’re a reader of street style blogs, I’m sure nakita nyo na tong girl na to nang ilang beses. She has a unique way of dressing kay angat sya sa iba. Megaknown? Sya si Giovanna. Close kasi kami. Charot.

Giovanna Battaglia used to be a model for D&G and Dolce and Gabbana. Ang bonggels nga nang progress nya kasi naging magazine editor and stylist sya agad after a few years. Career diba? Infairness sa mga looks ni girl may sanib sya sa pagdadamit. Deadma sa trends at may sarili syang mundo. Peg for 2012! Gow!

I love the tights with the shoes! I like how she looks so effortless kahit ganyan ang suot nya.

Ganda nang Versace dress na to! Colored fringe for the win!

Pout kung pout. Mukhang hindi maganda ang gising nya ha. Hahaha

Aminin, mahirap i-pull off ang turtleneck!

Lace, sheer, at fringe —- CHECK! Bagay to sa kumbento. Chos!

Gondohh. Yan ang mix and match!

Alaia! Very sexy pero relax! Win!

Naalala ko nung nauso yung gladiator shoes na ganito. Haha! Lahat nang kulay binili ko!

Fur kung fur! Ayaw nang PETA! Chos!

This was taken during the MET Ball. Habang lahat nang tao naka ball gown at naka shining shimmering splendid, eto ang suot nya. Very MOD! PAKAK!

Hindi naman sya masyadong mahilig sa mga appliqué nyan…

Gandang italiana! Fierce!!! Love this outfit!

Her take on color scheme! Bonggels!

In Louis Vuitton! Nako. Superhero lang ang peg ko kung suot ko to.

Understated sexy!

Teh, nasobrahan ka ata sa hair gel… Pero dahil bongga yang outfit mo, check ka!

Eto ang tinatawag na “Madami akong labada” look. Chos!

Short and tight. Parang ako lang o!

OMG! Ang chica nya dito. Ang yaman lang tignan! Bongga!

Super bet ko tong Dolce and Gabbana na lace dress na to. Sarap isuot sa mall. Char!

Love this outfit! Easy breezy beautiful lang!

Best in kinang! Gow!

In vintage Versace. Ay… NAKAKALOKA!!!

Sheer ba kamo? AYAN! SIGE! Ewan ko na lang kung kaya nyong tapatan toh!

Structured! Ganda!

LOVE EEEEET! Baka mascot ang labas ko kung ako ang may suot nito!

Very Carine lang ang loose top at tight pencil skirt!

ISANG MALAKING PAAAAAAAAAAAK!!!!!!!!!!! PASABOG KA GIRL!