Bongga nang latest campaign nang Lanvin!

Naalala nyo ba toh?

Korek! Yan yung pasabog na campaign nang Lanvin seasons ago. Infairness talaga kay Tito Alber Elbaz ha, ANG DAMING BAON! For the Fall 2013 campaign, instead of getting models, kumuha sya nang real men and women ages 18-80! OH DIBA, HINDI MASYADONG MALAYO ANG AGE GAP. Kalowka!

And hindi lang age gap ang malayo, pati trabaho! Haha may former showgirl, may waiter, milliner, at US immigrant! Hahaha! BONGGA!!! May pag-asa talaga tayong lahat maging mowdel! PAK!


Ganda nang lola nyo oh! Wagas ang emote!

Si manong kuya ang clazz nang outfitey!!! Shala!

Lady Gaga isdatchu? Choz! Kilay kung kilay eh!

Hindi ako masyadong sure kung boy o girl sya pero ang alam ko kabog ang buhok nya!

Sya na siguro yung 18 years old. Ang sweet lang. KATORSE ang peg!

Tom Hanks in Castaway! Pwede din Santa Claus nung kabataan nya. Love the color palette of this outfit!

Si kuya ang brusko tignan pero efek sa kanya ang suit. Nakaka-pogi points talaga sya!

MADAM! Peg ko toh pag marami na akong mga apo!

Much love,

D

Leave a Comment