CEBU! (1/2)

I was only in Cebu overnight but sa dami naming ginawa parang amazing race. So i need to do 2 posts on Cebu! 🙂

When i heard that Rajo was doing a style tour…. Nagsimula na ang best in participation ko. I wanted to go, at hindi lang yan… naghatak pa ako ng mga taong madadamay! haha!

Rajo and Ginggay was just supposed to do a balikan but when I said I can clear my sked and go, pinilit ko nang magovernight kami! Gumana ang drama ko kay Rajo but Ginggay had to go home kasi may importanteng naghihintay sa kanya.

So nung conffeerrrmmed na that i was going. Hintak ko na si Nixy and V wanted to go narin. tamang tama he saw a group doing beach clean-up so may purpose sya dun.

Nung confeermed na confeermed na lahat. I alerted our Cebu Barkada na! Bom and Pauline happily helped us arrange everything! Gosh, nakakahiya! Sila na nagbook ng hotel and mga sundo! I met these girls through Tessa Prieto and grabe ang hospitality nila. They made Cebu so fun, memorable and hassle-free! GAME ON CEBU!

So we took one of the early flights at 8am. My thursday ended pretty late because I was missing work on Friday (Friday, friday… LSS AKITCH KAY REBECCA!). Me, V and Nixy went on the first flight while Raj, G and the gang went on another flight.

Before heading to Cebu, i announced na sa mga becklings and utash that I’m going. I was so excited to meet everyone from Cebu! Bongga pala ang twitter and tumblr noh? Gosh, I met at least 40-50 followers! D ko nga lang nachika lahat but I was able to talk to those who came early. Nakakaaliw pala noh, I didn’t recognize some kasi naman sa mga super fierce nyong profile photo eh d ko masight ang full frontal ng fez but when they said their usernames keri na! It’s funny how I felt like I knew those who came kahit sa tumblr and twitter lang naguusap. Bongga talaga ang technology… connecting people! So again, sobrang Thank you! At thank you din sa mga nagpabaon sakin ng mga kung anik anik! Nahiya naman ako at nagabala pa kayo sa pasalubong 🙂

Check out what happened to our Cebu tour part 1!

Umagang kay ganda. Wala pang tulog si Nixy pero FRESH!

Nixy and my V

Bongga ang rampage ni Nixy.

We stayed in Abaca. Grabe! This place is super nice! I really wished I had more time na mag-relax but I super loved our funfilled day so sa gabi ko lang naexperience yung hotel 🙂 Ganda here! D ko nga lang naexperince magtampisaw sa swimming pool (or as V and I call it…MEEMEENG POOL)

Kahit walang tulog si Nixy. First on the agenda… CHIKAHAN! Kawawang V, he was trying to join sa mga conversation pero major fail. Tawa lang kami ng tawa ni Nixy. The last time I travelled with Nixy was to Bangkok. Isang malaking kabag ang trip na yun.

Sample 1:

N: Diva, gusto mo pumunta sa gay bar sa kabilang kanto? Malapit lang.

D: keri! (in my 8 inches heels)

…….

……

……

MAKALIPAS ANG 10 BLOCKS.

D: Nixy. D na makatao toh. Napudpud na yung paa ko. Nasa tuhod na yung talampakan ko! Hayop ka!

N: Malapit na! hahahhaa!

Sample 2

We were with an older batch of Brentonians. Na gulat na gulat sa pagbebekimese namin. The next day was a birthday celeb of my best friend (Wyanet’s Ate) sa sushal na restaurant. Eh since gulat sila, masforte pa namin silang gulatin more. hahah!

D: Nixy, dumating kaya tayo ng naka tuktuk (pedicab) sabay sigaw… HOY NANDITO NA KAMI! ANG LAYO PALA NETO! bwahahaha!

N: Dagdagan pa natin habang pababa ng tuktuk… “pahiram naman ng barya dyan oh!” Para mashock lang sila! bwahahaha!

Every trip with Nixy is a kabag trip. Since Highschool pa kami nagkakilala and lahat kaya talaga namin pagtawanan! Isang sample na naman tong trip na toh. Medyo kabado na si V and Rajo for our upcoming trips…. mukhang tatawa na naman kami ng tatawa!

Bongga ng hotel!

Our Cebu welcome committee! I lovet! 🙂 THANK YOU SOOO SOOO SOOO MUCH!

D + V

They thought me how to each lechon with these siopao looking things. Akala ko kung ano! Sushal tignan noh? Siopao lang yan gurl! Maganda lang pakakabilog ng harina.

HI PIGLET! Humanda ka! hahahaha! Wit na pa demure. Nilafang ko ng bonggang bongga yang lechon.

Ang sushal pala sa Cebu! Pati kanin kailangan parang Kenneth Cobonpue production! They call this puso. Medyo na shock lang sila naka-3 ako during lunch. Hello, lugi kaya tayo sa Puso. Half rice lang yan kung icompare mo sa Mang inasal. Haha!

After lunch, we had an interview for the local newspaper. Bongga pati ata mga Cebuano ay naaliw sa OPPOSITES ATTRACT namin ni V. I wish I can get a copy of the taped interview. V answered in english. I answered in beckimese. hahaha! They also asked me about gay rights, na pang pageant kong sinagot. Haha!

So right after, nagayos na kami ni Ginggay. Nagkulutan (parang parlor lang). Then off to P&P launch!

P&P SM. Bongga lang ni manong sa likod… parang masikip yung bowtie nya. Haha!

MASS HYSTERIA! Spell kaguluhan. At first people were patingin tingin… next thing you know, kanya kanya nang patago! haha! You should see our “reserve” area sa likod ng counter! Kalowka! At d nagpatalo ang mga beckies! They all got the Rajo shirts!

Buti nalang maaga most followers! Nakachika pa ako kahit konti 🙂 Thanks for coming. Ang fierce mo naman magmall. Full muk-up!

Plakado! Memorized ang pose! haha! Thank you guys!

Argh… i met my fellow volunteer for child haus Steph but forgot to take photos. I’m waiting for my Cebu followers to tag me sa photos nila para mapost ko 🙂

Rajo is very happy with the line! After making chika the guests, i saw the line getting longer. Eh yung mga shoppers na binigyan ko ng mga style chuchu advice, matagal nang nakapila so ….

Nag cashier ako! Dapat palaging alert! haha! At marunong ako magresibo noh, nagtrabaho ako sa shop sa greenhills ng tita ant mommy ko nung bagets ako.

The biggest surprise shopper! AMPARITO LHUILLIER! yes, mudak ni Monique! Panalo si mother! Ganda ganda nya!

Wait for my next post!

Much love,

D

Leave a Comment