Yung Kabilang Poste. Florence Chan

You’ve been hearing a lot about my friends na parang kaibigan nyo narin. Keri lang, lapitan nyo mga yan, mabait yan in person. Actually, I’ve been getting a lot of messages from you guys na na-sightchung nyo sila somewhere and all and I find it so cute. Nahaharrass ko sila “HOY, WYANET… Nasa mall ka na naman noh?” hahaha! May tamang I SEE EVERYTHING thanks to you guys.

So since Malapit na ang EXTREME MAKEOVER HOME EDITION PHILIPPINES sa TV5. Let me talk about support systems. Each house needs a good foundation and support system. Ang tawag dun STRUCTURAL design. Kung sa tao, parang yun ang mga buto buto mo, while the cement naman is like your muscles. Keri? I try to make it as easy as possible. Baka ma-sermonana nyo ako sa technicality chuchu.

In life, ganun din. May mga tinatawag tayong support system. And sa akin, yun yung mga kaibigan ko. The more famous ones like Ginggay, Tim and all knows nyo na. Wyanet you heard a lot too dahil sa wedding bells na ganap nya. Pero madami pa kayong hindi kilala. So lemme start with the KABILANG poste sa tapat ni Wyanet… FLORENCE CHAN.

If you read this post :

https://www.divinemlee.com/post/3736087129/my-maid-of-honor-speech

Ma-gegets nyo na ang chemistry namin. We’ve known each other since Middle School in Brent and super close parin kami kahit iba ibang college at course kami napadpad. Actually, I was just in Flo’s house the other night.

My friend’s family is already my family. Lahat kami palaging nagtetext and tulungan. I will go into that later. But for now explain ko muna paano nagkatagpo tagpo ang landas namin. haha!

Theresa (girl beside me) is part of the original barkada in Brent. Her kid Jabez, is my inaanak and kabirthday! Alta (sa kabila ko) is our upper batch in Brent na dene-deny nya na ngayon para hindi mabukelya sa edad. Sya yung Mommy ni Sosi and Sully na I posted about na may cover ng baby magazine. Wyanet, kilala nyo na yan. Em (girl beside Wyanet), we met her because gf sya ng kabarkada namin Architect. Ang nakakatawa buyer namin sya ng unit nung nag-agent pa ako sa mall! yes! Then naaliw sya samin and naaliw kami sa kanya. Ayan, napasama sa grupo. Then the girl on the far right, is Fayinna na ate ni Wyanet and best friend ng Ate ni V.

Naguluhan na ba kayo? hahaha! Don’t worry I’ll make an individual post naman. But for now kay Florence tayo.

The photo below was during Theresa’s wedding. Yes, bridesmaids na naman kaming lahat.

And again, our speeches. I was holding back tears… AGAIN! I always get the Conservative/sexy dress. haha! Maiksi sa harap, mahaba sa likod!

WYA’s wedding. Ther was also part of the entourage but busy sya when we took this photo.

Flo and I as MAIDS OF HORROR, speech time!

More after the jump!

Me and Flo

Me and my inaanak Flo’s son, Kiel Kiel

So going back to what I said, para na kaming one big happy family. Lahat ng kapatid ni Flo parang kapatid ko narin. Good over a decade na ang friendshipey namin kaya medyo matatag na. But if there’s one thing I know about Flo is that she’s very loyal. She will fight for you no matter what. Since kayo narin palaging nagsasabi na palagi akong na-stereotype na masunget, maarte, etc. She’s always the first to say something. There are times nga na mas apektado sya sakin. And I feel that, because genuine love and concern yun.

Isipin nyo, kahit love life ko iniyakan nyan? haha! pag-nagkikipagbreak ako, mas worried pa sya kaysa sakin. She cries when I cry, then she goes out para huntingin yung nang api sakin. Haha! Sa paraan na yan, very similar sila ni Angel friend ko (sorry, hindi ko alam if pwede sya reveal. ayaw nya eh).

Flo may be the shortest out of all of us, but sya yung may pinaka malakas na voice samin. Not in volume ha. haha! But we really get her opinion because she is very fair. I can go on and on about how lucky I am to have her as a friend but I think gets nyo na.

The biggest misconception I get is that i’m filthy rich. Actually may point kayo, I am filthy rich but not sa anda, pera, moolah, dinero or kung ano pang tawag.But rather mayaman ako sa mga kaibigan na totoo. I don’t need a bazillion friends but I only need a few I can count on. And God blessed me with Florence as one of them.

During my low points, I get my strength from them. Iiyakan ko sila, then papatawanin nila ako, then pak na pak..I’m ready for my close-up na ulit ang ganap. Sila yung poste ko sa buhay. The keep me strong, they keep my feet on the ground and my head up high. Bongga d ba? So next time may ganito kayong friend, tawagin nyong POSTE. haha!

Parang jowa, I can’t imagine my life without Florence. Sino nalang mag-cocorrect palagi nang malaking fail na spelling at grammar ko sa pagsusulat dito (she stopped correcting na, dahil palagi kong sinasabi.. Nagets mo yung sinasabi ko d ba? bonggels. Ibig sabihin keri na kahit wrong ispluk. haha!) Sino nang mangugulit sakin umattend nang kung ano anong seminar about life? Sino nang maalala kong magagalit sakin paghindi ko nilimus yung mga freebies sa hotel (She’s known for wiping out her hotel room sa lahat ng shampoo, tsinelas, etc). Sino nang babatok sakin kung akala ko fasyon yung suot ko pero mukha naman talaga akong galing custome party? Haha! A lot of things I need and want Florence beside me for.

So eto na, since sabi ko nga para kaming family. Let me be a proud ate naman for her sisters. She has 3 sisters. Kathy, Kristine and Olive. All these girls are lovely inside out. Nung si Kathy based pa sa Madrid, Pinag squat nya kami dun while we were visiting. Haha! May matching luto and linis pa sya. Super cute the hospitality to think Ate nya kami.

The next sister is Kristine. I think I’m closest to her sa mga magkakapatid.

Spending NYE together!

Sobrang magkamukha sila ni Flo!

I admire Teng for her entrepreneurial spirit. She’s based in Hong Kong and dahil dyan super avail namin kaming mga ate. Palagi ko yan kinukulit to buy me magazines and all. After work, she heads pa to the mall to get my stuff. Yan din ang taga-pila namin everytime may special designer ang H&M. haha!

It’s funny how she made this into a business. Kwento ko ganap sa inyo on how we’re like one big family and how her business came about.

Everytime nagpapabili kami, she would post her finds sa fb and people would start ordering. So since mahilig si bagets magikot at magshopping, ayun naenjoy nya. A week to Wya’s wedding, all set na lahat except for one thing…. SAPATOS! Lecheng internet toh, ang dami kasing pinapakita na hindi available sa Manila. So ayun, hirap na hirap kami sa gusto ni Wyanet. Nasa point na kami na isotchtape namin yung tsinelas sa paa nya para yun nalang ang bridal shoes nya. It’s so cute that when Teng found out, she gave options for Wya and panicked with us. Parang Ate nya narin yung magpapakasal. Thanks to Teng, umabot at hindi kailangan mga islander tsinelas ni Wya down the aisle.

So nastart nya yung business nya thru that! Nakakabilib kasi alam ko how it is when I used to do buy and sell too. It’s nice to do something na pabili ng friends here and there. This is the funny part, when the MAC wonderwoman collection came out, na-excite ako and told Kristine to get me some. Sa excitement ko na tweet ko. Honestly, I had no intentions of getting orders until…. NARINIG KO YUNG MGA PARANG MGA END OF THE WORLD PLEAS NYO..haha! Kalowka parang ikamamatay nyo talaga if hindi makaget-chung ng make-up. So immediately, I called Kristine and told her, please help me…Magtwitter and tumblr ka, kasi hindi ko masagot lahat ng orders. So there she started her tumblr and shop site.

http://shophk.tumblr.com/

Follow and order thru here. You can make pabili anything (basta legal ha! haha!, hindi nakakabili ng love life sa kanya) that is available in HK. Not just the photos she posted.

Congrats Kristine and your other ATE is very proud of you! Salamat sa palaging paghabol sa mga rush order ng make-up. haha! PS. She got my my DR. Martens na wit dito sa Manila. You can order from her!

The next sister and the bunso is the sugar artist, Olive Chan. She’s really quiet and sweet. Very princess like. I rarely talk to her kasi tahimik talaga sya but gosh, I was shocked nalang to see her work!

Here’s Olive with her work and may inaanak!

I knew she was making cupcakes but hindi ko alam na super galing pala nya. Syempre as an ate, my first order was out of love. I just wanted na makatulong. But gosh! Super shocked ako!

Here are some of the cupcakes I ordered and her other works!

We used this for Theresa’s Baby shower!

Gave this to Bryan Boy!

Gave this to Zsa Zsa thru Karylle! 🙂

Gave this to Warrior DJ Mia of 89.9!

Cute! She used this for a SATC Theme party!

Gave to G’s Daughter, Chloe!

EYYYFORT!

Super cute wedding cake!

Super dami pa and she can come up with designs for you. The nice thing about this is that it’s tailor made per person! Super cute giveaways 🙂

See more of her work here! http://allcakedup.multiply.com

Sensya na kayo sa pag-ka stage ATE ko. I’m just so proud of these kiddies na nakagawa sila ng sari-sariling negosyo nila from things they enjoy. Hope they inspired you like how they inspired me. It’s never too young to start!

Promote nyo narin sila and try to avail their services. I vouch for them. Bongga sila talaga. 🙂


Much love,

D

Leave a Comment