Coachella day 2! Ayan more ganap!

AYAN! Day 2 na tayo! Here is the sked of performances! At nagstart na ang pabonggahan ng performers! May mga baon na guest stars! Mike Snow brought Lykke Li! At si David Guetta naman sa USHER! Keri nyo yun? Parang masbongga pa yung mga guest stars! Kung baga pagnagperform ako, dapat kong bitbit si Pilita Corales or Ate guy! Ganun ang levelling!

Bongga noh??? Here’s the video of Guetta with USHER! I saw Guetta sa Souk out before in Singapore. But mas na appreciate ko sya now.. kasi dala nya si Usher! choz!

AYAN!

So, alam na namin na may ibang VIP entrance pala. So hindi ka na pipila balde levels. You save about an hour kasi ang haba sa general admissions. But no worries, kasi bongga parin ang energy ng utaw kahit sa pila.

Sabi ni google, masmainit! So alam kung tustado pegaloo ko, dinala ko ang buong carinderia ko ng sunblock. Also, wala na akong ambisyon magkulot dahil lapot lapot ang ganap nun!

Libre sa happy meal yung glasses ni Milan. Choz!

VIP grounds. We arrived later na… kasi nakakapagod din pala. SO we got there mga time na ni DRAGONETTE. Bongga sya. Youtube nyo 🙂

Tao ang giveaway sa coachella! choz!

Lakas makasosyal ng palm trees! Pero wag ka, ganyan din ang effect ng banana trees noh! Lamang pa dahil, May puso pa ng saging! CHoz!

Proud of my white underarms! choz!

DAY 2!!! Hindi ko na na-avail yang ferriswheel!

All over the place, may mga ganap na installations

Susko, nagbabasaan parin ang mga toh. D pa ba kayo na pasma from day 1????

ANO BANG GINAGAWA KO DITO? Wala naman akong marecall na nagplay ng MACARENA…

Avail ng sunlight! haha!

Each stage has a play schedule. So kahit d nyo alam itsura ng performers na bet nyo, hindi kayo maloloko. Haha!

Wala silang banig… siguro naiingit sila sakin. choz! Or baka natatawa! haha!

While walking around, we decided to stop and chill sa MOJAVE stage for Dragonette. And since Day 1 nakaavail na kami sa models, d ko na pinalampas magpaphoto. She was so nice. She said she likes Mojave. HELLO, first time ko tumambay dun but if si LILY and nagsabi sayo nun… OO ka nalang. Hahha!

We were sitting down sa grass but when i said photo, tumayo ang lola mo. AYAW PALAMANG! haha! Isang paligo lang lamang mo gurl!

With Lily Donaldson!

Kunwari pa akong pa cool….at deadma sa kanya.. Eto ang reaction ko nung pagalis! hahahah!

One of my fave acts! Sahara stage na naman ako. Kahit sabi nya MOJAVE is cool, bumalik na naman ako dun sa knows ko! haha!

Oh d ba? Yung stage pwede kahit ano! Parang coloring book!

JACQUES LU CONT set was super good. As in sayaw lang ako ng sayaw! May lyrics or wala, best in indak!

Napagod ako eh.. hahaha!

Since walang seating arrangements, basta magaling ka sumingit, you can be in the front row! But deadma naman kami, basta around the area and same vibe!

Oh, bilog bilog naman ang stage. Naubusan ata ng design! choz!

V!

Milly!

V and Ino. Si Ino, naka fierce look na naman. Akala nya effect ang pacool na ganyan dito! haha!

SEXY MO MILAN! Sasali kita sa Binibining! choz!

D + V

More D + V.. gurl, wala kayong choice.. andito kayo sa blog ko kaya magsawa kayo sa mukha ko! choz!

Ang cute ng may mountains na background. Valley kasi ang coachella. Hindi Sweet Valley ha! Ang makarelate, children of the 90s! haha!

BAKIT D NYO AKO ININFORM NA MAY BALLET PALA? Choz! D ako prepared sa TUTU ni lola ha!

Day 2, better weather. Actually perfect na sya! D malamig and d mainit 🙂

Coachella for this year, 2 weekends sya. Actually after leaving, naiisip ko sana 2 weeks ang kinuha ko. But may work na kasi akitch and limited lang ang leave. Kasi kahit buong araw ka, I don’t think possible to see all the acts. So, better plan your sked list. Minsan, we really split coz iba yung bet ko kay V and Ino.

Kamusta naman Petrang Kabayotik!

Can you imagine gaano ka-stress si V sa sobra kong kulit? Parang kiti kiti.. look!

The main stage! V is really looking forward to Bon Iver na humakot sa Grammys, si Ino naman Radiohead.. panahon nya ata..choz! At ako… wala akong kilala dyan! Naririnig ko lang pero pagtinanong nyo ako anong song, wala akong masasabi. haha! So this day, sa Sahara ako palagi!

Cute balloons! Actually sa end nyan may mga pasa-pasang naghahawak.. I didn’t check if its connected to something but, hindi ko rin inattempt na kunin. Baka ma-wow mali ako at iwan ako dun para hawakan ng matagal! Hahha!

Si V sumasayaw ng OCHO OCHO. choz! Baka may sounds like na kanta… haha!

Wala lang.. baket? Vlag ko nga toh! haha!

D + V and a dinosaur. choz!

Day 2 since may na-achieve ako sa pagoutfit ko, kinareer ko ulit. MASBONGGA ANG NAACHIEVE KO! While waiting sa restroom, some press gurl saw me and natuwa sakin. Nagchika kami for awhile and then she said

“You’re such a darling and I love your outfit. you know what, I have extra all access bands here. Take one, I’m sure they’ll love to have you backstage”

Pacool pa ako na “wow, thanks! really appreciate it”

NAKAKALOKA! So sabay takbo kay MILAN! HOYYY SINONG SIKAT DYAN! PWEDE AKO PUMUNTA BACKSTAGE! hahahah!

Ubud na tuwa, sana kinapal ko fez ko and asked for more para kila V, Ino and Milly! haha!

So while walking around, someone shouted.. DIVINE, MILAN! OMG! Yung “friends” namin! haha! choz! So again, chill na naman kami with them!

They are super nice! At nagulat ako naalala nila names namin! can you believe that? Hindi ko pa naprapratice pronounce mga epilyido nila and they remembered our names! *FAINT*

Fangurl talaga ako! Pagbigyan nyo na!

With Raquel Zimmerman! She even took a photo of me and Milan! Keri mo yun? HAY! Experience talaga! Parang gusto ko na magballgown next time, baka malayo marating ko sa outfit. choz!

Remember this super cute Lanvin ad? Sya yan!

So bago ako tuluyan mawalan ng jowa, after a few hours, hinanap na namin sila. Nagchichill pala si V…

Ang nakakaloka kay V…chill chill sya.. D NYA NAMAN TINITIGNAN YUNG MGA KATABI NYA! Best in deadma sya! HELLER! D nya alam si MY HUMP MY HUMPS FERGIE and Josh yung katabi nya!

So nagpasimple pa ako tumayo, V then i called Milan, HOY PICTURAN MO AKO. Dapat pa stalker mode lang but i smiled at her and she smiled back… so I made that gesture na may camera.. she nodded. AYAN! AVAIL!

Ganyan sila ka deadma. Sarili nila pinipicturan nila. KALOWKA! SI FERGIE YUN NOH! Pantakot ng daga toh! haha!

I remember Rajo being scared of the toilet situation, I’m glad to say both sa field and VIP ok naman ang toilets. Porta pero malinis naman. And no pila.

Lumalamig na, bago tuluyang manginig.. I changed into pants and GOLD! haha!

GOLD IS GOLD!

V got a mask somewhere… so ayan dinemo ko lang yung mga taong lamig na lamig. choz!

Pusakal!

We saw some Pinoy friends! yey!

More balloons! D uubra sating pinoy toh, take home yan! haha!

Ayan yung sinasabi kong hawak nila… ayoko kunin kahit magandang photo op..baka wow mali eh!

BACK TO SAHARA tent again!

Grabe LED nila noh? Buong tent! Hindi lang sa harap! Total experience talaga!

EFFORT!

The DJs are so energized! Bongga kasi ng crowd! Lahat game!

Malamig sa gabi, so they have areas like these…

Light show!

GUETTA NA!

Ayan nilamig na ako! May jacket na! Actually lahat ganun naman. check out the people around me. May baon talaga sila.

He was super galeng at bongga ng guest!

Pati sa labas parang pasko, best in lights!

Full house ang Guetta!

Next was kaskade na may booboo na akong ginawa sa Manila. So hindi ko na try pumunta backstage! haha!

To read about my boo boo sa Manila!

https://divinemlee.com/post/15220001767/kaskade

Bongga di ang ganap ng LED sa kanya!

We didn’t finish his set coz gusto ko malaman yung ganap sa mainstage.

BONGGA NG LIGHTS!

V and Ino was raving about Bon Iver and Radio heads. Nakakaiyak levels daw. Sabi ko.. WALA KAYO SA LOLO KO.. GUEST NYA SI USHER! haha!

Next post.. Day 3!

Much love,

D

Leave a Comment