MAKEUP GUIDES! MAC Guides!

More for Prom season!

I’m doing a lot of school talks for prom. I think next on my list is ICA! But for those students na hindi ko magaganapan ang school, I decided to give you guys make-up guides.

Sa totoo, nung bagets ako- I was very very fortunate to be modeling na. Kaya na TY ang makeup artist ko for mga iba ibang prom events. And these makeup artists, alam narin ang mukha ko- so alam na nila ang gagawin nila.

But especially for those na first time, minsan ayaw nyo naman ma-fail ang ganap! Chaka lang ng mukhang very 1-2-3 ang mukup! Prom toh kailangan bonggacious!

Usually, cutting photos of your favorite models or celebrities won’t work. Ambisyosa din kasi tayo, iniisip natin pagkatapos tayo makeupan… kamukha na natin sila! haha! Belo ka pumunta girl, wag sa makeup artist!

So here, face guides for me are the best. At least masmadali for the make-up artist and you know exactly what to expect. Some of the facecharts I picked out, yan na yung mga ginaya ko on my own. I actually have a couple na collection naka-save. Maybe I can do videos soon 🙂 Haggard ha! Isa isahin ba naman! haha!

So guys, eto ang dalhin nyo sa mga mukup artist mo! Wag yung photo ni Jlo! haha!

This is nice kasi may colors na na indicated. If malaki ang budget mo at bet mong mag-invest. You can actually buy the stuff. But if hindi naman. Same color lang, bet na yan!

Very light na shadows ang penkay. If takot ka pa mag smokey. Eto para sayo.

Kung ang virgin skin mo ay panalo. Very very light makeup keri na!

Kung may black eye ka, wag ka nang magpanic! ETO!

Kung ang bet mong role ay contrabida, best in fierceness toh!

I like this for people na tingin nila malayo ang mata nila from one another. Illusion ang dating! Gow!

Juje-JLO! Yes! What is bronze! pinaaraw look, parang tinapa lang!

If hindi ka takot sa kulay! Kareerin mo toh!

Traditional smokey! Make sure na light ang kilay ha, baka magmukhang linta!

Another version ng smokey. Eto palagi ginagawa sakin ni Jake.

Isa pang best in color!

Very light but pakak ang shadows!

Eto na ang todo! Bakit ba, eh prom d ba?

Natural lang na pegaloo. OO, ganyan ako magising. May contour na talaga! choz!

Brown smokey!

If gusto mo talaga ng impact… ETO NA!

Will do videos soon!

Much love,

D

Leave a Comment