Minsan talaga magaling ako sa CHAMBA! Fitflop event!

I’m been quite delayed with my posts (sorry na, tao lang po) and so backtrack tayo. Pretend nalang kayo kahapon lang toh. Haha! Choz!

I want to give you a background on my “modeling” friends. When I started modeling at 14 years old syempre may kanya kanyang barkada yan. Napunta ako sa young group which consisted of Charmaine Palermo, Nicolette Bell and (fine, young ka narin) Charina Sarte. It’s cute how we all evolved na and yet parang same industry parin. Yung roots namin of modeling really stayed with us. Hanggang ngayon we hang out with the same badings… Yung mga dating nangsesermon sa amin pag late kami, barkada na namin.

So out of us 4, si Charina Sarte or Charing or Princess to us, became the bonggang designer that she is now. I remember that when she started unang cliente nya ata ako, dahil ba naman, isang size lang ata yung ginagawa… size nya! haha!

Nicolette Bell naman modeled the longest in Manila (I left kasi for HK kagad, ambisiosa ako akala ko matangkad ako dun..haha!) became a flight attendant and is now a senior chuchu ng plane (hindi pilot, yung isa pang head. haha!). I’m so proud of her! I once visited her in Dubai and ganun parin ang kulitan.

And last is Charmaine or Mengy or Charms. Eto naman ang gimik partner ko. After modeling she became a stylist and now events organizer na.

Cute noh? Talagang evolve lahat but nothing changed with the friendship.

So eto na, It was Nicolette’s bday and she was given a short vacay to stay here for a few days. Tamang tama, Charmy texted that she has an event. So I said, go kita kits tayo sa event mo. A few hours before the event, medyo nagkagulo ang schedule ko. My meeting started to overlap na and medyo natakot ako sa schedule. I had to run from one place to another (I don’t like having my meetings in one resto or place tuloy tuloy… forte ko naman yung may change of scenery na nagaganap). Buti nalang at pinagbigyan ako ni Lord at natapos ko lahat, yung nga lang hindi ko napansin na medyo umaangal na yung mga kalyo ko sa paa sa pagod. So deadma, I rushed to Rustan’s for the Fitflop event.

Cute! Mini Reunion! Ma and Nicky!

Actually, nagmamaganda lang ako ng gabing yan pero ang sakit na talaga ng paa ko. You know that feeling na kahit saan mo ilagay yung bigat masakit? Sa balls ng feet, sa heel, sa gilid…MASAKIT LAHAT! haha! Ang kapal kasi ng fez ko eh, magmarathon meetings ba naman sa taas ng heels at palipat lipat pa ng lugar.

Ayan.. picture ng hindi na makangiti sa sakit ng paa! haha!

Pagdating ko sa event I only saw one couch..at sa gitna pa ng stage/presentation area. Haha! Grabe, para talagang may binubulong ko na … AKIN KA! UUPUAN KITA! DEADMA NA SA PROGRAM! haha! But buti nalang, may konting hiya parin akong natira. I didn’t sit sa couch.

The event was cute and unique. No fashion show, instead they had projectors showing the cute Fit flops. Another nice thing was that they partnered with a charity promoting Cervical cancer vaccine. I like it when brands help certain causes. Ang pinaka bongga for that night was the gimik… They had 3 prince charmings going around looking for the perfect CINDERELLA so if the fitflop fits… eh inyo na yun. OMG! Eto na ang sagot sa sigaw ng mga kalyo ko! haha!

I’m usually very giving sa contest pero nilabas ko talaga ang best in participation ko. Not only did I want those Fitflops pero gusto ko na magexplain sa mic na ..MAAWA KAYO! ANG SAKIT NA TALAGA NG PAA KO! haha! So the minute I saw the 3 “princes” I went up to them. Fail ako sa first 2 princes, kasi kahit anong gawin ko hindi magkakasya yung paa ko sa size 36 or 37. Haha! The last prince was Marvin Kiefer. Honestly, we was the youngest and pinaka-bagets sa mga prince. I honestly thought “SHUCKS! Sana hindi according to height or age ang matching ng slipper sizes with the Prince. haha!’ Fortunately, narining ata ni God yung crying kalyos ko and the last pair was mine!

Ayan, real smile na yan. haha!

Karen hosted the event. We also went to the same school (Brent). Actually, akala nya siguro nakaakbay ako sa kanya…sinasandalan ko sya nyan sa sakit ng paa ko. Haha! Love you Karen!

THANK YOU PRIMER! Buti may big size! 🙂

Thanks Charmy for inviting me! Kung hindi dahil sa event mo nawalan na siguro ng dugong dumadaloy yung paa ko. Haha! Jk 🙂 Thank you! I had fun with our little reunion and congrats to your event!

Much love,

D

Leave a Comment