I wanna be a supermodel… Chos!

I’ve said it before here in the blog that I’m a big fan of group shots! Hahaha! Alam nyo na yun, yung may mga labanan nang emote! Lalo na kapag magaganda ang nasa tableau! For the November issue of V Magazine, they asked the different top modeling agencies in the world to gather their models for an editorial. Ganda lang diba? I’m sure pagandahan sila nang mga manok nila!

IMG Models – PAKKKK! Malakas ang kutob ko na “come as you are” ang theme nang shoot na to. Wala nang effort effort sa damit at make-up dahil kahit ano pa ang gawin nila, bongga na sila. Kahit ata bagong gising maganda pa rin sila. KAIRITA HA. Chos!

SUPREME Model Management – Ayan. Youngness at freshness naman ang peg nito! Hawak hawak sa lubid ang ganap! Parang barkada picture lang o!

NEXT Models – Tarush nang nurse outfits! Pero bakit yung iba parang naiwan sa bahay ang panty at bra? Chos!

FORD Models – KAKALOKA NAMAN… Kids, dont do this at home! Charot!

WOMEN Management – Anong nangyari? Nanghingi na lang nang 1 x 1 sa mga talents? Hahaha

MARILYN Models – Very Terry Richardson lang! Try ko din mag-salamin nang ganyan, sana ma-achieve ang

DNA Model Management – KABOG NANG DNA!!! Pinatawag lahat nang members o! At may effort pa sa mga outfit! Nahirapan siguro ang stylist nito sa pag-pullout, ang dami nila!

Hindi ito kasama, pero ayan, ang mga lola nyo may asim pa! Well, sila naman talaga ang nagsimula nang lahat. The Supermodels for the December issue of Harper’s Bazaar UK. BONGGA DIBA! WALANG KUPAS!

Sana ang Mega, Metro or Preview gumawa din nang ganyan! Suggestion lang naman. Charot!

Much love,

D

Leave a Comment