Kanye West for Giuseppe Zanotti shoe

Ang lolo nyo talaga ayaw paawat. He designed shoes na before pero for mens sa Louis Vuitton. Sneakers nga lang so kebs ko diba? Hindi naman ako nagsusuot nun. Pero when I saw this pair from his first collection, nawindang ako. ANG GANDA! Ang sarap hilingin kay Santa this Christmas. Chos!

Sana kasama yung mukha at katawan nung model kapag binili yung sapatos!

Ang kabog lang nang pearls sa sapatos. May very very light tribal factor na sobrang chic! Bongga! Hindi mo na kailangan mag-accessories sa suot mo kung ganito ang sapatos mo.

The higher the heel the closer to God talaga ang ganap! Love the black part to contrast the beading and pearls!

Available sya sa Colette! It’s a fancy store in Paris na nagbebenta nang kung anik anik na mahal. Hahaha. 4 kyuk euros ang sa site…. So kapag may conversion na sa dollars and samahan mo nang tax at iconvert mo sa pesos… Ang price nya eh……………………….

P270,000.00 LANG NAMAN!!! NAKAKALOKA!!! Ano yan kotse??? Jusko…. Di na lang. HAHAHA. Bakit ang mahal!?! Lolo Kanye bakit ka ganyan? Installment pwede? 50 years to pay? Charing!

Kung may 270,000.00 pesos ka, bibilin mo ba to? Chos!

Much love,

D

Leave a Comment