Kapag ako ang nag-landing sa MARS…

Kaguluhan lang ang twitter kaninang umaga sa pag-landing nang Mars Curiosity sa red planet ha. ANG BONGGA! May livestreaming pa, parang Becky Nights lang! Haha! Infair, kinilabutan talaga ako nung nakita ko yung mga tweets with photos ni Mars Curiosity. O DIBA? NAKAPAG-TWEET PA TALAGA SI GAGA! KALURKS!

Na-imagine ko tuloy yung sarili ko kapag ako ang nag-landing sa MARS! Alam nyo na, hindi ako papahuli sa outfitan! CHOZ!

Prabal Gurung – Very very light lang. Di ako sigurado sa gravity sa Mars eh pero kung may floating floating nang slight, pakak ang ruffles! Una ko talagang gagawin dun eh mag-photoshoot! Charot!

Photobucket

Gareth Pugh-Kapag si Darth Vader naging Becky! BECKY VADER! Haha!
Photobucket

Jeremy Scott- Wagas to! Mahirap nga lang labahan kasi kailangan shampoo ang gamit.
Photobucket

Jean Paul Gaultier- Alam nyo na toh! Madonna goes to Mars lang pegaloo!
Photobucket

Mugler- Dramatic entrance! Pang-galaxy ang fierceness! PAK!
Photobucket

Iris Van Herpen- ALIEN BA KAMO? SANIB!
Photobucket

The Blonds – BETTY MAY SAISON! Subukan kong mag-concert sa Mars!
Photobucket

Paco Rabanne- Medyo pag-iisipan ko muna kung susuotin ko toh. Baka pagkamalan akong satellite!
Photobucket

Alexandre Vauthier- Eto yung pag ako ang nag-landing at suot ko toh tapos may nakasalubong ako na alien ang masasabi lang nila ay, “OUR QUEEN!!!” Charot! Becky queen meets alien queen! Hahaha!
Photobucket

Alexander McQueen- PAAAAK! LITERAL NA MS. UNIVERSE ANG PEG NITO! Windang siguro lahat nang aliens sa outfit ko na toh! Chos!
Photobucket

Kayo? Anong outfit nyo kapag kayo ang nag-landing sa Mars? Nakakaloka ang mga tanong ko Lunes na Lunes! GOW!

Much love,

D

Leave a Comment