Las Vegas day 2!

Best in kagulow ang sked ko today so this will be a shorter post. But bawi ako sa 3rd day. GAWSH, puro bawi nalang noh? choz! haha!

So day 2 is all about outlet shopping and visiting friends. Etong si Ino kasi ang kulet gusto magoutlet ng outlet!

Jake as my seatmate!

V as a passenger today! D sya pinagdrive kasi tinodo naman nya ang effort sa pag drive from LA to Vegas

First on the agenda was to visit our friends from London. Hindi kami pumuntang London, lumipat na sila sa Vegas!

But bago yan, kodakan muna! haha!

AVAIL NA NAMAN!

D + V, gusto ko na talaga itapon yang hat ni V. haha! Lahat nalang ng photo may participation!

Super cute ng house nila, super nice pool and i love the dume-desert na garden feel!

My friend Flo is not fond of doggies… pero mukhang pwede na!

Isa pa toh! What really amazed me about their house is that sila ang naglandscape! Ang spoiled talaga natin sa Pinas noh? here pati wooden planks sa sala sila naginstall 🙂

And bilang pinoy, they prepared a pinoy breakfast for us! Thank you Anne and Leo! In fair, inavail ko ng bongga yung corned beef!

Jake and Ino, hindi na nahiya. Sa sarap ng breakfast, nakatulog sa sala! hahaha! Eto mga bagong gising. Look at Ino… halatang bugnutin!

RIght after, we went to PREMIUM OUTLETS OF LAS VEGAS. Dalawa yan, but do go to the north. Masbongga and madaming choices.

From the carpark may nasight akong bonggang structure… alam nyo ba toh? paki brief naman ako! 🙂

So usually, memorize na namin how to plan and travel. I’ve been travelling with Florence for work for years na. So sanay na kami sa bawat isa. ANd Bestie ko yan from high school! Tagal na noh?

So tip, since aminado na d tayo parepareho ng bet. We usually give people a meeting place and time na magmeet. Also, we try to do buddy system and at least isa may phone para madaling macontact. That way walang hintayan and maximize ang time.

May stiff neck ba si jake? Naka-side view na naman! choz!

I’m a big spoiler sa inaanak ko. Binabantaan na ako ng mga nanay na gagantihan daw nila ako pagmay anak na ako. My inaanak knows pag d uubra kay mommy, lalapit kay Ninang. haha! Eh utouto pa naman ako! haha!

Si Ino, nagcocompute ng ginastos! choz! haha!

Also, when shopping abroad ang takot ng utash is excess baggage sa plane. So what you can do is find a forwarder (tanong tanong lang kayo sa mga pinoy) you can ship your shopping or yung mga luma nyong gamit. It usually takes a month or 2 but if d nyo naman kailangan keri lang.

You can also check the excess baggage fee sa airlines nyo, make sure to check ha. kasi sometimes it turns out cheaper if you just pay for extra bag rather than excess per kilo.

Right after, we went to FASHION SHOW MALL. ANdun yung mga giant department stores such as Saks, Macy’s, giant topshop and F21.

Look at my inaanak may pinagmanahan! Photo op ng photo op!

May option din at umupo talaga! Mahusay ka!

We took about 3 hours going around before we decided to leave for the house. Nag-enjoy kami sa bbq so bet namin ulitin.

I’m super fond of sunsets. Kaya nabuo ang mumomoments sundays!

Group shot!

AVAIL SA LIGHTING!

D + V

Walang pinatawad noh? kahit parking lot! haha!

This is another traveling group. We already travelled together to Europe!

Dale and Jake mga members! BONGGELS! palaki ng palaki ang travel group! We actually have 2, nasight nyo na yung Geisha gang. Eto naman yung isa. Best in ipon talaga kami for trips 🙂

Luxor from a far. May parang light yan na pataas sa gabi from the tip. Sabi sobrang lakas ng light that you can see it froma distance. Na-prove ko naman kasi malayo na yung balur namin, kita parin sya. Good luck sa meralco bill nila. choz!

Milly relaxing by our pool!

Day 2 of cooking! Ayan, best in abala ako! I was in charge of cooking steak rice! Fave ko yan. tuturo ko sa inyo! 🙂

Ang d marunong magluto…. DJ namin.. DJ kasi taga hugas pinggan. Parang nagDDJ! Haha!

Ang fab ko magluto noh? choz! hahaha! Naka-long gown! hahaha!

V cooked steak again.. by popular demand kasi and ribs!

So how to cook steak rice…

yung sobrang steak the night before pinachop ko kay dale. Then refry nyo para lumabas yung juice.

From there add the rice (tira ulit from the night before.. haha! Sayang eh! Naparami saing ko! haha)

then add garlic or garlic salt, pepper, salt and a bit of soysauce to taste

OH D BA? akala nyo ang hirap! Ang trick lang is you want the juice of the steak sa rice!

After nya mag DJ, mag set naman sya ng table. Ganyan talaga pag d talented. CHoz!

Eating time!

There you go guys! Til next post! Coming up is Vegas strip by foot!

Much love,

D

Leave a Comment