Malapit na June… Wedding season na naman! My top 10 Fall 2012 wedding collections

Ewan ko ba kung bakit ko ginawa tong post na to. May ma-post lang! Haha! Syempre hindi ko pa iniisip magpakasal no, mga loka kayo! Wala pa talaga sya sa mga plano ko (Unless bantaan na ako ni V sa kakacomedy ko tuwing yung ang pinaguusapan. Haha! Chos lang!) Lahat nang mga girls na engaged ngayon ang iniisip una eh kung anong bonggang wedding dress ang bagay diba? Kaya ayan, nag-post ako nang mga bonggels na options para sa INYO! Hindi sa akin! Hahahaha

ENJOY!

Marchesa – Sa mga pinuntahan kong kasal sa buong buhay ko, eto na ata ang pinaka-common sa lahat. Very very sweet lang diba? Yung tipo na gusto mo lang maging magandang babae sa araw mo? PAK!!!

Monique Lhuillier – Ay bet ko to. Wedding dress pero mukhang couture. Taray no? Panalo to sa mga wedding shots, lakas maka-fashion shoot nito kahit ilagay ka sa basura, ang ganda mo pa rin.

Reem Acra – Para sa mga demure na gustong maging daring sa kasal. Maganda yang efek na may sheer sheer sa legs diba? At may sequins sa top. Nakaka-fresh lang!

Romona Keveza – Tarush nito. Very Sofia Vergara meets Angelina Jolie! Cleavage na may slit pa! Siguradong hindi ka iiwan nang asawa mo sa altar! Choz!

Temperely London – Very dyosa lang ang grecian ha. Simple lang at walang drama. Sigurado ka naman dito na hindi ka madadapa sa pag-lakad mo. Check!

Tadashi Shoji – Bongga naman to sa mga civil weddings. Naalala ko tuloy nung nagpa-kasal si Carrie at Big sa Sex and the City movie. Naiyak lang ako. Choz! Pero yezterday, ganito dapat ang peg sa mga civil weddings. Short, lace, fresh, and fierce! Haha

Jenny Packham – I love this! Gusto ko yung halter design tapos super backless. Minimalist ang peg at nakak-ganda nang figure sya infairness. Bongga!

Oscar dela Renta – KAKALOKA NAMAN TO. Parang hindi wedding ang pinuntahan, SANTACRUZAN ata! Pero aminin, ikaw na talaga ang star sa araw nang kasal mo kasi wala nang mas totodo pa sa belo mo!

Carolina Herrera – FIEEEEEEERCE! Gusto ko din ang idea na naka-suit ka sa kasal mo ha. Tapos yung groom naka-gown? Charot! Hahaha! Pwede din to sa mga kapatid natin na tivoli. Bet to ni Tita Ellen de Generes for sure! Gow!

Vera Wang – PAK NA PAK NA PAK! ETO NA ANG WEDDING KO GOWN KO! Tawagin nyo na rin pala ako sa pangalang RUBY. Kalerkey!

Much love,

D

Leave a Comment