My top 10 London Fashion Fashion Week F/W 2012 collections!

DAVID KOMA – Infairness sa collection nya ha pwedeng hindi na mag-bra. Haha!

ANTONIO BERARDI – Bongga siguro nito sa personal. Kalurkey yung details. CLAZZ! Beading kung beading. Bulag na siguro yung nagtahi nito. Chos!

MATTHEW WILLIAMSON – Pak nang prints! Best in maxi dress talaga si Tito Matthew!

MARIOS SCHWAB – Sheer kung sheer! Nako, dito kailangan nyo mag-bra!

McQ – GANDA! Vume-velvet ang ganap. Ganda nang texture nya with the prints. So bagay! Try ko nga yang hair na yan next time. Maloka lang kayo sakin! Hahaha!

MARY KATRANTZOU – SANIB! Gawin talagang print ang pencil? Infairness, dadami ang kita nang Mongol. Baliw talaga mga taga-London. Super innovative nila sa designs! Kaka-inspire diba?

GILES – LOVE IT! Very very soft nito. Chiffon and feathers, para ka tuloy walang suot! And infairness sa print nung dress, parang nasusunog na papel. Haha. At least kapag nasa party kayo at nadikitan nang yosi ang dress mo hindi halata diba? CHECK!

ERDEM – VERY KATE MIDDLETON! Perfect ang prints at lace! Lakas maka-babae! LOVE!

BURBERRY – Eto na ang susuond kong peg sa mga outfits ko! Pakak high waist pencil skirt, bonggels na jacket, cinched belt, opaque tights, at oxford heels!

CARE KO KUNG SUMMER NA SA PILIPINAS! HAHAHA! Sa aircon na lang ako parati!!! Char!

STELLA MCCARTNEY – Bentang benta nang bongga ang Stella McCartney illusion dress! Ayan o, in all versions! Ang dami! Lakas maka-payat nito guys! Uso yan ngayon, nadadaya ang waist! Pak!

Much love,

D

Leave a Comment