NOVEMBER 2011 @previewmag’s “THE FAG HAG” editorial

Actually more than being excited for this shoot.. kinabowg ako ng excitement ng beckies!

Days before the actual shoot, I’ve been getting texts na:

“Sinong photographer?”

“May makeup artist ba teh?”

“Papa LIPO NA AKO!”

Haha! Hindi ko na sasabihin sino sa kanila texted what but I must say this is one of my fave shoots! My pleasure to share the page with the people who made me. YES, barbie doll ako nila. SILA TALAGA ANG TOTOONG DIVINE LEE.

COVER LAYOUT with the designers!

The designers who continuously create art pieces for me to wear. Sabi ko nga sa inyo, ang binibigay ko lang sa kanila.. EMOTION or SITUATION. Like bet ko maging QUEEN AMIDALA, or kung ano man then sila na talaga umaachieve. I love you guys! kayo na!

Martin Bautista: medyo madilim but right behind Patrick

I met Martin thru Milan but even before formally meeting him, I wore his creation na for a cover. Nawindang ako sa bagets na toh. I think he was starting out palang, so i FB’d him and said “i love jersey!” kasi i really saw someone who is a master at draping in him. At hindi nya ako binigo. From our first meeting, we became really good friends, hanggang isa na sya sa mga naging dancing partners ko for night outs. He also introduced me to another good friend… VEEJAY FLORESCA. More about him later. I’m so proud of you Marts! Love you!

Patrick Galang: Yes, yang may sinag nang araw!

I met him thru Veejay and Martin. Si ate may sanib. At first kinukulit ko nga pumunta magdrag sa xmas party ko but nahiya si ate at inindian ako. But soon enough we became friends. As a designer, iba talaga toh. May sanib! Non-traditional and very one of a kind. Alienesque ang peg! Now, he is working as a stylist and i must say our latest shoot. PASABOG! Hintayin nyo nalang! He is also one of my stylist for EXTREME MAKEOVER. Thank you kapatid. Again, kayo nga ang nagbubuo kung sino ako.

ERIC DELOS SANTOS

I don’t have a lot of Eric Delos Santos pieces but the few that I have COVER WORTHY! Yes, my circuit cover ERIC yun. Sa mga designers, eto ang very very timid ang peg pero ang talak sa twitter. Always the first to laugh at my jokes kahit gaano ka corny. Eric is the sweetest and i’m looking forward to working with him more. I know he’s one of the most versatile young designers out there!

Veejay Floresca: Twin ko daw sya! Keri!

I first heard of his name from Martin and Milan. Sabi ni Milan, Supreme is featuring some new designers and bongga si Veejay and Martin. Sabi naman ni Martin, “Divine, may friend ako na designer. Peg ka nya. Tuwing nagbabaklaan, sya daw si DIVINE!” hahaha! Dun palang benta na sya sakin. So I asked for a meeting. Susko, believe it or not. Yes, first meeting parang inelectricute si bakla, hindi ako kinakausap. Nag opo pa sakin. But soon enough, hala para nang baby armalite ang bibig sa chika. I’m so proud of him! From Project Runway nya na ang lakas ng sigaw ko to a fave wedding designer. Kaw na nga!

David Milan

Kailangan pa ba explain toh? haha! May team Milan na nga eh. I have a love hate relatioship with Milan. Some days gusto ko syang tirisin, some days naman I can’t live without him. Aside from my dog Oreo, longest relationship ko si Milan and yes, we live together. Sya ang unang nangbabalaj sakin if palabas ako ng bahay na mukha ng costume ang suot. Also the first to defend and protect me. Kahit binibwisit nya ako minsan, our love affair is sure to last a life time. And yes, mas alam nya ang closet o kaysa sakin. ANG HILIG KASI MAGFIT NG DAMIT AT SAPATOS KO!

GOGO BOYS YAN. so d ko sila knows. hahaha!

The beckies are my BATO. Kung si Darna may bato. Sila ang bato ko… High, low, deep or shallow, they bring rainbow into to my life. THANK YOU.

Hala Patrick! What is best in bending!

Becky nights

Kailngan pa ba explain toh? Manuod nalang kayo every monday. haha!

Jake Galvez

Jake is always our target. Actually bet na bet namin ni Matt asarin si Jake. Jake is called Mother or Mom not because mahilig sya lumafang but kasi sya ang pinakamalambing. Palagi ako chinecheck nyan at palaging may dalang lafang (para sakin ba or for him? haha!). Ilaw ng disco, yan si Jake. He really keeps all of beckynights one. Parang Rugby, pandikit na, nakakaaddict pa!

Matt Gozun

VERY ME! Best in pangasar at best in BAHALA NA KAYO. Matt naman is the most honest. Deadma sa feelings mo teh. hahah! He will tell me straight, SUOT MO YAN? MUKHA KANG DYARYO. hahaha! Diretso. Kung pikon ka, sasabunutan mo sya. But you know that his criticism stems from love for me (or bet nya lang mang asar). But Matt naman, I’m sure pagmay umapi sakin… SI MATT ANG BUNGANGA KO!

Buern Rodriguez

Aside from my power kulot! Buern is like a lola. Kung nanay si Jake. Si Buern ang lola. Calming spirit pero best sa one liner (basta wag english ha…his english is only good for 2 minutes daw, after that talk to his lawyer. choz!). I guess, one thing that i would always remember about Buern is that sa event deadma yan kahit nakasuit sya or what pag nakita nya ang buhok ko malamya, sabay ayos yan. Deadma na kung sosyalan. D sya papayag. Super maalaga.

There you have it! Actually madaming absent pa like Nixy na out of the country, Kermit who was busy with London fashion week nun, Direk Elmer and Dennis na may show nun and more. Kasi naman if lahat invite, baka buong issue na nang Preview.

The fashion editorial makikita nyo ang spotlight na sa akin. But God is in the details. The people around me sila ang gift ni God sakin. OO, walang Divine without them. They gave me more than their talent but unconditional friendshipey. Iba ibang hugis, iba ibang size (kahit yung iba hindi aminin ang totong waistline), iba bang hair color but in the end isang PEG lang sila. Sila ang mga VOLTA ng buhay ko.

Again, thank you Preview. Super cute spread but more than that, it’s a tribute to my beckies. Thank you! At napasaya nyo sila! To the point na may magpapa-lipo pa! haha! Thank you for honoring me of sharing this fashion editorial with the people I love most.

Fierces, sana napasaya din nila kayo sa super pose nila. Because they make me happy 🙂 Supportahan lang tayo!

And to the other fierces, thank you for submitting photos copying our editorial! kayo na!

Much love,

D

Leave a Comment