Pegaloo ko sya! Model focus: Candice Swanepoel

Bet ko talaga yung matatapang na fez. Yung medyo mukhang trannelya, kaya din siguro bet ko ang tranellya makeup. Nakakatawa na nagugulat ang atashi pag nakikita akong walang makeup, mukha daw akong babae. hahaha! Guys, drag queen po talaga ang peg ko! choz!

The last time i had the same obsession with a model was with Giselle Bundchen. Kabayotic din! haha! Actually, pasaway ako when i got my teeth done, sya ginawa kong peg, ang laki tuloy nung ginawa sa ipin ko nung una, buti nahimasmasan ako na d talaga bagay sakin so i had it grinded to yung size na pakak talaga for my face.

So eto na! Candice Swanepoel! Betty mae ko sya!

Gusto ko yang mukhang amazona levels! Mumemegan-known fox ang fez nya!

Higante! I love na medyo mas malaking bulas si mamang sa male mowdel!

Try ni lola ang softness, mukha naman vampira! BETTTTT!  Parang pati yung pusa medyo shocked! 

Ang tapang ng fez! Papasok toh sa top 10 ng Ms. Gay!

May Matet factor din yung noo nya, pero kering keri ko talaga yung mga ganito look. Yung parang may masamang balak!

Pegaloo ko toh sa next shoot! Papa blondina ako with blue eyes! 

Cougar ba kamo?

Pag gusto mong sapatos ang focus ng tao, wag kang magdamit! choz!

Sana nagfootsal powder si lola, para hindi naman mahirapan yung model! choz!

Kainan ng heels? Anong kaguluhan toh? Choz! 

Sinong fave model of the moment nyo? And anong pegaloo nyo when picking a mowdel? Alam nyo na ang bet ko yung isang paligo nalang lalake na ang fez!

Much love,

D

 

Leave a Comment