Questions answered!

1)

Anonymous asked:

hello ate D. haahahah ( Feeling Close ) bago mo akong Follower at enjoy na enjoy ako sa mga blogs moh lalo na yung justin bieber blog moh.. i want to blog like you 😀 any advice ? -miko davao

 

D: Speak your heart. Chika ka like ang kausap mo yung mga friendship mo because eventually yun ang magaganap sa blog… magiging friendship mo ang readers mo. Express mo ano mga bet mo, but personal tip ko use the power of blogging to make people feel good. Wag yung nega sana 🙂 Marami akong nakukuhang questions na takot sila magblog because hindi daw sila magaling sa english and grammar. I guess, better naman na may spellcheck and grammar check, although guilty nga ako sa hindi pag gawa nito. But also remember that your intelligence cannot be measured by the language you speak. So basta maparating mo, kahit chabacano pa yan, push!

 Much love,

 D

 

2)

fuckyeahmaeee asked:

ang ganda mo naman! umabot sa new zealand ang beauty mo in fairness! =D pero seriously.. bongga site mo lola! 🙂 bat ngayon ko lang nahanap! much love M (naks)

 

D: Ang bongga nga at may readers form New Zealand. San mo ba kasi ako hinahanap? choz!

 Much love,

 D

 

3)

veritaserum (theresaflores01@yahoo.com) submitted:

Hi Ms. D! Just read your article on Phil Star. Not a fan of ‘the biebs’ pero na feel ko talaga ang obsession niyo.hahaha.  Nice outfit pala (on the day of justin’s meet and greet)

 

D: Nahalata ba pagka fan girl ko? here again yung article http://divinemlee.com/post/5474845774/supremebieber

https://divinemlee.com/post/5388222710/presscon

 Much love,

 D

 

4)

tessa-loves-photography asked:

hi Ms. D. Cnxia na kung super kulit ko. IDOL lang talaga kasi kita. I really love all your blogs and your legs. hehehe. wats your beauty secret? hope to see you soon. 🙂

 

D: Secret nga eh. choz! CLEAN YOUR FACE. Kahit gaano ka pagod, maghugas ng mukha and [ag sa balur lang. No makeup and days na pwedeng wa makeup.. push!

 Much love,

 D

 

5) 

Anonymous asked:

Just wanna ask how would you act like you don’t have any feelings to a person you started yo fall in love with and who is also your closest friend? Ill wait for your answer! Thanks! =)

 

D: Naguluhan ako sa question… sino ang nainlove? Ikaw or sya? Kung ikaw ang nainlove at d mo sya bet…ganda mo. choz! Kidding aside, i think if friends kayo it pays to be honest. May foundation (hindi yung make up..) na yan, so at least you owe him?her maging real ka. Pero kung sya naman, ganun din. Pero make sure muna mamya assuming ka lang baka sweet lang talaga si friend 🙂 Friendship, dapat honest. 

 Much love,

 D

 [[MORE]]

6)

Anonymous asked:

D, kung isa kang ulam na nakahapag sa carinderia, anu ka??? much love, E

 

D: Kanin, bagay sa lahat. Ayoko maging ulam, napapalitan. hahaha!

 Much love,

 D

 

7)

Miss Divine, can you please recommend me a good home laser hair removal that is effective. I badly need one because I’ll be getting married next year and i want to get rid of unwanted hairs. 🙁 and so I can save much money than going to a derma clinic which costs a lot. Please reply.. TIA!

 

D: I think better if you go to a center than just at home. Kasi they have to assess your skin too, parang d naman bet kung magmarunong tayo to do that. haha!

 Much love,

 D

 

8)

Anonymous asked:

what’s your shoe size? i am a size 10-10 1/2 and i’m having some problems, hirap humanap ng big sizes dito sa Philippines eh.

 

D: 10! Panalo na naman ang mga DINOSAUR! pabalik na ang era! Nauna lang tayo. choz! Primadonna, Parisian, Cmg and Micheal Antonio meron 🙂 I love Primadonna, bongga and super affordable 🙂 Check my lookbook for their shoes 🙂

 Much love,

 D

 

9)

nursepatrick asked:

HOY DIVINE! GALIT KA bA SA BECKY? LOL.

 

hay kalowka, ilang buwan na Ms. D at hindi mo pa sinasagot ang mga messages ko. Hindi pa ako kumakain oh. LOL.

 

Basta Pak na Pak ang blog mo. KABOG sa PICTURE! Parang Tsunami lang ng Japan!

 

Sana naman at mapansin na to… Hanggang baba ko na ang eyebags ko kaka antay. CHOZ!

 

More Power!

 

🙂

 

D: Galit ka ba sa CAPSLOCK? choz! Kelan ba ako magagalit sa becky, parang inikot ko na nga ang laban ng buhay ko sa beckies 🙂 Ano ba question mo? hahhaa!

 Much love,

 D

 

10)

Ms D! Kaka inspire tlga kayo forever. Bet ko ang post mo about young blogger Aaron:) truly about believing in your potential and pushing to reach your dreams. Ako na din chos! Here’s always praying magingfierce din at work. I love the work itself, Pero mother ang Hirap pakisamahan ng mgaboss ko hay. Feel ko ang pagka Anne Hathaway ko sa devil wears Prada at boss ko ay parang so meryll Streep. Chos! Pano po ba mag deal ng mga ganun? Love love! – Anne

  

D: Kaya mo yan girl, for every pagalit try mo gawa 2x mabuti. Para mareverse natin cycle 🙂 FOr everything na hindi mo bet na ginagawa nya, 2x ibalik mo- one for yourself and alay mo yung isa sa kanya. When you do that, masmapapagaang loob mo 🙂 Mahirap lang sa simula, but keri mo yan. 

 Much love,

 D

 

Leave a Comment