Spring/Summer 2012 campaigns!

Favorite ko talaga abangan ang mga campaigns every change nang season. Twice a year lang yan no kaya nae-excite talaga ako kung anong pasabog meron ang mga brands and designers. It aims to inspire, excite, at mapa-bili ka sa kanila! Haha! Enjoy!

Alexander McQueen – Patron saint of couture? Santo levels! Kaloka!

Herve Leger – O diba? Magkalat lang nang alikabok sa buhangin. Gow!

Kenzo – Let’s get physical daw!

BCBG – 1… 2… 3… TALON! Girl, panty mo kita!

Alberta Ferretti – Pasensya na sa emote nilang dalawa.

Balenciaga – Bongga. Laki nang problema natin ah. Stress siguro sa work.

Bally- Kailangan ganyan ang background? Sushal ha.

Blumarine – PANAGBENGA FESTIVAL OUTFIT! GOW!

Bottega Venetta – O diba, walang keme na drama. Ganda lang ang labanan!

Burberry – Anong meron sa sahig guys?

Calvin Klein – Isa pa to. Girl, mainit. Ma-heatstroke ka pa dyan!

Chanel – Ayun. Cirque de Soleil ang peg! Delikado yan mga teeeeeh!

Chloe – NAUBUSAN AKO NANG COMMENT DITO. KALOKA!

Hermes – Si inday nagpapatuyo nang labada! Ganda!

D&G – Anong pabango kaya gamit nung mga girlaloo? Gusto ko din nyan! Chos!

Donna Karan – Shot in Haiti! Ganda nang idea to raise awareness. Kabog ni Adriana Lima!

Dolce and Gabbana – Ang gondo ni Monica Belucci ha. Kahit sa tabing dagat ilagay walang kupas!

Elie Saab – Makapag-labas naman nang legs parang walang bukas!

DSquared – Infair ha, effort ang camping nila. Outfit kung outfit!

Etro – Hindi sila masyadong mahilig sa printed no?

Giorgio Armani – Ka-fez nya si Rooney Mara! Ganda!

Givenchy – Tama ba yung mag-high heels sa buhangin? Josko naman Gisele, ikaw na talaga!

Lanvin -AHAS KA! AHAS! CHAROT!

Gucci – Sabeeehhh nang raccoon eyes? KABOWG!

DVF – Ganda nang model dito ha.

Isabel Marant – Guys, ganito masilaw sa araw ang mga pa-cute. Charot!

Jil Sander – Patayin sa sindak ang peg! Afraidy aguilar!

Michael Kors – Bakit parang hindi naman ganito ang hitsura ko nung pumunta akong Africa? Di ako na-brief! Dapat pala nag-smokey ako!

Louis Vuitton – ANG KYOT NITO! ANG SWEET LANG!

Miu Miu – Rosalinda lang si teh!

Mulberry – Ang laki naman nyan! Hahaha! May budget ha!

Oscar dela Renta – Ang yaman lang!

Prada – Mag ganito kaya ako sa Caltex sa kanto namin. Tingin nyo guys?

Proenza Schouler – Infair, nag-shave sya nang kili-kili. Ang kinis o! Hahaha

Roberto Cavalli – Di naman ako prepared sa pag-pose nila. PAK!

Salvatore Ferragamo – Humanda kayo this summer! Naka-gown na din ako sa tabi nang pool!

Prabal Gurung – Teh! Anyare sayo? Maka-higa ka naman dyan.

Stella McCartney – Uso na talaga ang flores de mayo kahit Feb pa lang!

Tom Ford – Kalurks! Kagatin ba sa paa!? Hahaha! Pero mas naka-kalurks yung natuwa pa sya!

Versace – So ganyanan? Tatalon ka sa pool nang naka-gown? IKAW NA GISELE! IKAW NA!

Much love,

D

Leave a Comment