Friendship

It’s been a good 6 months already since we started this blog and I guess it’s time to evaluate. It’s been some time narin since i wrote something na tinatawag kong life lessons. Things na natutunan ko from you guys. As I would always say, I discover more things about myself thru your comments and questions.

First of all, thank you sa lahat ng comments, questions, photos at lahat lahat. I am still in awe with how this blog grew into a barkada. Kaya nga sobra din akitch sa backlog, hindi ko naanticipate na ganito tayo lalaki. But I now, I want to touch on a subject that is important to each and every person we meet… Gratitude.

Sa totoo, torn din ako. I appreciate the super daming comments from you guys, gawsh hindi nyo lang alam paano ako napapasaya nito. I draw strength from it. As I said, hindi naman ganun kadali ang buhay, but you give me that extra push to attack ng bongga bongga with positivity. Honestly, minsan nahihiya ako i-post yung mga papuri, baka kasi sabihin ang yabang, or feeling. But at the same time, I want to give it naman to the person who wrote the comment na nakita ko and I appreciate the comment. So i post it. Pagpasensyahan nyo na kung minsan parepareho, hindi po ako nagyayabang, it’s really my way of reaching out to whoever messaged (lalo na yung mga anonymous at hindi ko alam saan hahagilapin). Again, salamat hindi parin ako makapaniwala.

A lot of people would often tell me, wag kang magbabago, wag kang yayabang. Hello, bakit naman ako yayabang? che! choz! haha! But really, you guys showed me love when it was easier to hate. Wala akong karapatan yumabang. I don’t think dadating ang panahon na mangiisnab ako or whatever. But I want to keep our friendship here so kung nafee-feel nyong may ganun na ganap, I’m telling you guys now, pakibatukan nga ako. Haha! Because like how I value my friends, I value this barkada we have right here.

AYOKO MAG-senti! But mukhang papunta dun. hahah! So pagbigyan nyo 🙂

This month has been quite hectic for us. Daming promo, daming ganap. But what I’m really saying here is sa 6 months na ito you made this blog what it is. The credit is not mine. Binuksan ko lang yung site, kayo talaga ang bonggels. Lahat ng thank you notes sa email, etc, sana pag nababasa nyo, you see it as yours..ours. The cover, the site crashing of Mega, the features and awareness on equality, the winning childhaus egg… inyo lahat yun fierceness. So para sa mga taong medyo down and blue, gurl.. SNAP SNAP! Konting palakpakan for yourself. Dahil ikaw nga ng Loreal.. YOU ARE WORTH IT!

So sa haba ng intro ko, ano ba talagang natutunan ko sa blog na toh? Friendship. Friends can come in many shapes and form. I have friends who are there na nahahawakan ko at nakakausap. May friends ako na hindi ako ever pinabayaan sa paggagabay sakin (Yes, Ginggay. I love you). May mga friends na kahit walang imik, pero when you need them takbo kagad. Iba iba, but through this you guys taught me another form of friendship. Yung hindi exactong kilala but nakakatulong. Like angels, I guess. I don;t know them but I know they are helping me. So ayun, bongga ng example ko but yes, para din kayong angels. Andyan kayo, I may not know you guys personally but you help me get thru bad days and i feel your love and support. And I know you guys also serve as angels to each other. So smile naman dyan ng bongga. Can you imagine? Nagawa natin toh dahil lang nagbabaklaan tayo. We may not be as big as the others, but thru the thank yous… do we need the numbers pa ba? Honestly, I don’t even check the blog stats. I check the messages. That’s what matters to me.

Life will never be easy naman. But you guys give me strength to be stronger and to be happier. Dati pagmay problema, tawag kay Ginggay, tawag kay Tim, kay Florence or tawag sa iba ibang kaibigan. Ngayon nadagdagan na ang pwedeng magpatawa sakin. Heller, makita ko lang mga fierce photos nyo solve na ako. 🙂 So salamat ulit ulit ulit.

So since 6 months na nga, I am here to tell you. Thank you for being my friend. Thank you for being friends to one another. Salamat, salamat salamat. Unbelieveble, when the horoscpoe said it will be a bad year for me. naging pang-contra kayo. SALAMAT. Mahaba pa ang life (sana naman..hahaha!) let’s all help each other be a better individual through the sadness, laughter, happiness at lahat ng ganap. 🙂 Kaya yan! GOOOOWW!

Thank you! I love you my fierce angels. Happy 6th months! hahaa!

Much love,

D

Leave a Comment