The Christian Louboutin 20th anniversary bag collection

I’m not really into bags.. Basta may magamit lang ako pang araw araw, keri na sakin. But if ang bag ko eh kasing ganda nang mga to from the Loubutin Anniversary collection, why not diba? Everything’s so pretty! Lahat parang art talaga. Siguro kahit wala naman akong kailangan dalhin eh mag ba-bag pa rin ako. Pang-display lang! Haha. Or pwede rin na gawin ko na syang isabit at idisplay sa bahay kasi mukha syang furniture! Haha! Check out all the bags from the anniversary collection!

The “Newspaper” clutch – Instant painting ang bagey! Pang-museum na to!

The “Maykimay Degrade” clutch – LOVE THIS! Haha! Syempre shiny na naman diba. Pero hindi ko kinaya ang name nya. “Maykimay” tlga? Ano kaya ibig sabihin nun? Perfect clutch to kapag naka-LBD ka! Instant partayyyy! Chos!

The “Artemis Paris” bag – TUH-RUY! O diba, masyado nyang ginawang literal ang “Paris bag” as in nilagay nya yung buong Paris sa vag! KALOKA! Pero infair, pakak to! Kapag nasa Paris ka at hindi mo alam kung saan ka pupunta, hindi ka na maliligaw dahil may mapa na yung bag mo! Charot!

The “Artemis Shoemania” bag – Perfect pang-Valetine’s to! May instant bouquet ka sa outfit mo kahit walang mag-bigay sayo nang bulaklak!

The “Artemis Plumes” bag – BONGGELS! May kaliskis ka na may feathers ka pa! San ka pa! Gusto ko nito! Guys, pa ki-tweet naman si V na bilhan ako. Jk! Ang layo pa nang Christmas huh!

The “Pilule” bag – KALURKEY. Ayan, para sa mga sakitin. Alam nyo na ang bag para sa inyo! May perfect tong katerno eh…

Ayan o! O diba? Matching ang bag nyo with this Chanel bracelet. Sigurado yan, hindi na kayo magkakasakit! Chos!

Much love,

D

Leave a Comment