Warning to vlaggggs!

This is more about you than me. Honestly ganito ang ratio…

15 answered questions

3 fierce followers a day

1 personal post

sometimes, if I find something bongga may nasisingit ako.

Today, i posted a link to a question answered (wag nyo nang hanapin, binura ko na..haha!)

Then buti nalang closeness tayong lahat ng fierce dito and someone immediately warned me (anonymous nga lang kaya hindi ako mapakagpasalamat dito). But alam mo na kung sino ka man. I usually post links of if I see na makakatulong sa mga portfolio nyo or whatever. I really want to help you guys din whether sa blog, modelling website nyo, contest, photography portfolio or whatever. But yun nga, meron talagang iba na iba ang pakay.

So eto ang naganap.. someone posted a link here of a nice article about gusto nya manalo ng trip to somewhere for her mom. So I checked the link and tama nga naman. I opened it. So i posted. Ang mali ko I didn’t check the whole site. May tamang pornographic, bashing, at may mga binebenta pang ano ano na hindi kagandahan mabasa (spell: Escort) . So i’m sure, i don’t have to elaborate na.. gets nyo na yun.

I did all those posting and galing naman sa inyo yun to help. Pero yung iba nga medyo taking advantage. Nakakapanghinayang kasi maganda sana if this becomes a playground to showcase your talents d ba? Maslumaki pa purpose ng mga fierce sana dito. Eh bago din naman ako sa blogging na toh, and alam nyo naman nakapositive ko walang masamang tinapay but this I guess is an eye opener.

So from now on, may bago tayong rules. NO LINKS. If may link kayo ng fierce photos natin or whatever, i will grab it and post it here but sorry I can’t promote links anymore. Kahit kasi i-scan ko yung site…i have no control on what is posted after. Malay nyo nagbebenta kayo ng mga bata or pangkulam dun. Hindi ko naman mamomonitor lahat yun.

So again, thank you and I’m sure maraming fierce barkada ang imbyerna dun sa isang yun. Hindi ko na popost site nya dito… He/she knows what she did and hindi na mauulit kasi pang BONGGA LANG DITO 🙂

Thanks guys! Grabe, kakatouch kayo. Palagi tayo nagtutulungan here. Thanks for watching out for us! 🙂

Much love,

D

Leave a Comment