Vogue… and the Olympics!

OMG! Aylavet! Bongga talaga pag nag-mix ang fashion at sports. Lalo na ngayon, pasok na pasok ang sportswear trend! Infairness, malapit na rin kasi ang Olympics. Yung mga British, ang gumawa nang uniforms nila si Stella McCartney. Ang bongga diba? Pano kaya kung tayo? Pasok ang Athletenique collection ni Rajo! Bwahahaha! For the June issue of Vogue, gumawa sila nang editorial with the US Olympic team? WINNER! Check the spread below!

Jonathan Horton, gymnast

Sabi nga ni Mars Miranda, WOWOL daw – workout workout lang!

Ay. Kaloka ang liit ni kuya! Gawin daw bang patungan?

Ashton Eaton, track and field

PAKKK! Sana ginawa ko to nung bata ako – LUKSONG TINIK NANG NAKA-GOWN!

Emote emote lang si ate habang pasimpleng flex si kuya.

Ryan Lochte, swimmer

Naguluhan ako sa photo. Pero GOW! Tampisaw lang kayo dyan!

Heto ako…. BASANG BASA SA ULAAAAAAAN. Charot lang. Bet ko yang mga may basa basaan na ganyan. PAK!

Bryan Brothers, tennis

KALOWKA. AKALA KO YUNG MOWDEL ANG TENNIS BALL. Aminin nyo, pwede… HAHA

Girl, IKAW NA! Ikaw na ang naka-Alexander McQueen sa banyo. Di ko kinaya na meron ka din shower cap na suot! Haha

Dwayne Wade, basketball

Ay! Kilala ko to! Si Dwayne Wade! Kala ko wala akong kilala kahit isa. Gusto ko yung umupo si girl sa ring. Tamaan ka sana nang bola!

Ang tangkad lang talaga ni Karlie Kloss ha. PWEDE SYANG BASKETBALL PLAYER!

Kung akala nyo photoshop yung mga iba dyan, mali kayo! Check nyo tong behind the scenes video. Achieve!

May ginawa na din sila nyan before eh. The Vogue 2008 Olympics spread..

With Apollo Ohno..

With Jared Rome..

With Shaun White..

With Michael Phelps..

Mamang Gisele and Lebron James… SO PAKAK!

And syempre meron din tayong ganyan na shoot na may athletes sa fashion editorial! The Azkals in Preview Magazine! Bonggels!

Much love,

D

Leave a Comment