Vogue editions for September issue!

The September Vogue editions around the world! Sobrang iba iba ang treatment nila sa cover. Sino ang pinaka-bet nyo sa kanilang lahat?

Vogue US – Sya na ang pinaka-pasabog cover. Ikaw na talaga, Kate! Biased ako. Forte ko si Mamang.

Vogue Turkey – Ganda! Bet ko talaga yang Gucci gown na yan!

Vogue China – PAKAK! Asian dream team ang peg! Sana magkaron na nang Pinay dyan soon! At wagi ang mga damit!

Vogue Germany – Yaman-yamanan ang peg! Ganito na rin ang pambahay ko next time! choz!

Vogue Japan – Loka-lokahan lang parang yung fashion editor nila na si Anna dello Russo! Pag nagganito ako parang Sisa lang. choz!

Vogue Paris – I blogged about her here:

https://www.divinemlee.com/post/9021073097/princess-diaries

Vogue Russia – Girl, nasobrahan ata sa eyeliner. Racoon kung racoon! Yan ang mga type ko, yung ANIMAL ang explanation!

Vogue Taiwan – Ayaw nila sa petals! AYAW!

Vogue Italia – Anong sabehhhh nang waistline nang lola nyo!? SAN MO TINAGO ANG BITUKA MOOOOOO!

Vogue Brazil – Sya na ang anak ni Bianca at Mick Jagger kaya ibibigay ko sa kanya!

Vogue Hellas (Greece) – Try ko din ngumanga next time na magpapa-picture ako. Mukhang effective eh. ANG CLASS! Wag lang pasukan ng lamok.

Vogue India – I blogged about her here:

https://www.divinemlee.com/post/9702171025/golangnggow

Vogue Korea – Ganito dapat kapag may MIGRAINE! Fierce pa din! Pang Biogesic!

Vogue Portugal – Nasobrahan sa GLUTA si mother!!! Pati buhok namuti. TINALO MO SI JINKY ODA! IKAW NA!

Vogue UK – Dahil shiny ang damit nya…WHY NOT!!!

Vogue Australia – Ang linis nang cover! Walang blurbs! Try ko humiram nang ganyan sa pulis!

Vogue Mexico – KABOG! Hawak lang sa bewang ang katapat!

Vogue Espana – BONGGA! Kayo na ang supermodels! Legs kung legs! WINNER!

Sana magkaron na din nang VOGUE PHILIPPINES SOON! Bongga nun diba?

Much love,

D

Leave a Comment